PART 42

2113 Words

***LEREN’s POV*** “Buhusan mo raw ng alcohol bago mo pahiran ng betadine,” instruction sa akin ni Xalene. Ginising ko siya agad at kahit siya man ay nag-panic nang makita niya kanina ang kondisyon ni Doc Zrion. Naisip namin na dalhin siya sa ospital pero hindi rin namin nagawa dahil maliban sa mabigat si Doc Zrion ay pumasok din sa isip namin na malayo naman sa bituka ang tama niya. Mababaw lang pati ang sugat. Mukhang napagod lang si Doc Zrion kaya biglang nakatulog. Halata ngang himbing na. “Sure ka?” alanganing paniniguro ko. “Aba’y malay ko. Iyon naman ang sinabi dito sa pinapanood ko sa U-Tube nang i-search ko ang ‘How to dress gunshot wound?’” Ipinakita sa akin ni Xalene ang screen ng cellphone niya. “Hindi naman para sa daplis ng bala ang itinuturo niyang pinapanood mo, eh,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD