***ZRION's POV*** Isang malakas na suntok sa desk ko ang nagawa ko nang nakalabas si Leren sa kuwarto. I gritted my teeth at mariing ipinikit ang mga mata. Tumataas-baba ang dibdib ko sa hindi ko normal na paghinga. Damn, I'm in big trouble now. Makalaban ko na ang lahat, huwag lang naman sana si Leren. Nang magmulat ako ng mga mata ay gustong mabali ang mga ngipin ko sa pagtatagis. "Both of you, secured the villa. Lock all the doors and windows. Tiyakin niyo na hindi makakaalis si Leren dito." Pagkuwa'y biglang lingon ko sa dalawang tauhan ko. Iyon ang tanging paraan na naisip ko upang hindi mawala sa akin si Leren sa buhay ko. Nabigla sina Rog at Al. Nagkatinginan sila. "Ikukulong niyo si Miss Leren dito sa villa, Boss?" may pagtutol ang tinig na tanong ni Rog. "Baka lalo lamang