***LEREN’s POV*** Wala na si Zrion. Nawala siya sa paningin ko nang hindi ko man lang nakikita o nasisiguro kung maayos na ba talaga ang kanyang kalagayan. At utos daw ng kanyang daddy para sa kapakanan ni Zrion. Utot nila! Hindi ako naniniwala na iyon ang dahilan. Sinasabi ng instinct ko na hindi totoo iyon. Malakas ang kutob ko na ginawa nila iyon dahil sa akin. Dahil gusto nila kaming paghiwalayin. Pinaglayo na kami agad ng matapobre niyang ama at ina. Porke mataba ako. Poke ang pangit ko. Porke hindi ako bagay sa anak nila. Hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataon para ipakita na kahit ganito ang hitsura ko ay karapat-dapat pa rin ako sa anak nila. Hindi man lang nila ako kinilala. Ang sama nila! Nagngingitngit ang loob ko na nakatingala pa rin sa langit kahit na kanina