***LEREN’s POV*** SIX MONTHS LATER. Panay ang aking suntok sa sandbag. Nasa gym na naman kasi ako na pag-aari ni Kent at nagpapapawis. And I was in a good mood today. Ganadong-ganado ako sa pagbabawas ng taba ko sa katawan. Since Zrion was taken away from me, all I've been doing is going here in gym. Nagpapapawis. Ginagawa ko lahat ang mga cardio exercise mabawasan lang aking timbang. “Miss, mag-isa ka lang ba? Gusto mo ng ka-sparring?” Ang konsentrasyon ko ay nabulabog nang papansin sa akin ng isang lalaki. “Oo nga. Mas maganda kung may ka-sparring ka sa boxing, Miss,” tatawang-tawang ayuda ng kasama nito. Nagsimula akong magsupalada. Pinakaayaw ko kasi sa lahat ay ang iniistorbo ang pagpapapayat ko. “Lumayo kayo sa akin kung ayaw niyong masaktan.” “Ito naman si Miss, suplada ag