***LEREN's POV*** "Ang gusto kong itawag mo sa akin ay Zrion na lang. Walang doc, at lalong walang sir," sabi pa ni Doc Zrion. "Parang nakakahiya naman," baling ko sa kanya sa maayos na mukha. Hindi nakadila, hindi kinikilig. Parang wala lang. Kumalas ang kamay niya sa pagkakaakbay sa akin, pero kamay ko naman ang kanyang hinolding hands. "Nahihiya ka pa rin sa akin kahit nag-kiss na tayo?" "Koreksyon, hindi lang 'yon kiss, naglaplapan tayo," pagtatama ko. Napatanga siya sa mukha ko. Nahiya naman ako. Bakit nga ba lumabas iyon sa bibig ko? Ang laswa. Saglit ay natawa naman na siya. "Basta Zrion na ang itatawag mo sa akin. That's the rule that you shouldn't break or else I will kiss you," tapos ay pananakot niya. "Gusto mo ulit-ulitin ko pa ang Sir Doc, eh. Sir Doc! Sir Doc!