***LEREN's POV*** Ilang minuto na ang matuling lumipas na naririto kami sa tabing-dagat, ngunit wala pa ring kilos si Doc Zrion. Basta nandoon lang siya nakatayo sa gilid mismo ng dagat at malalim pa rin ang kanyang iniisip. Gagalaw lamang siya kapag sumisimsim siya ng wine. Kakaba-kaba na ako. Nais ko man siyang tawagin at magpaalala na kumain na rin siya ay alanganin naman ako. Baka kasi maging katapusan ko na rito sa earth kapag ginawa ko iyon. Mainit pa naman ang kanyang ulo. Walang duda, talagang may malaki nga siyang problema. Ang tanong ko na lang ay kung ano kaya? Ano nga kaya ang problema niya? Bumuntong-hininga ako habang nakanguso. Ang hirap hulahan, eh. Sa hitsura naman kasi niya't estado sa buhay ay parang wala naman siyang dapat problemahin. Hanggang sa parang nagpapa