***LEREN's POV*** Nangangatog ang mga tuhod ko habang sumasayaw ako kapareha si Doc Zrion. Pakiramdam ko ay nagkaroon bigla ng aircon sa plaza dahil tumatagos na sa likod ko ang lamig. Pati ang mga palad ko'y parang nagyeyelo na. Mabuti na lang at sa mga dibdib niya nakapatong ang mga kamay ko. At ang mga kamay niya naman sa balakang ko. Tiwala akong hindi niya ramdam ang panlalamig at nerbyos ko. Gusto ko na tuloy magsisi bakit ginusto ko ang gown na suot ko gayong backless na nga'y off shoulder pa. Talagang lalamigin ako kahit walang Doc Zrion na dumating. Kanina naman ay naiinitan ka pa nga. Dumating lang si Doc Zrion, nanlalamig ka na? kantyaw na naman sa akin ng konsensya kong kontrabida. "Pagkatapos ng sayaw ay aalis na tayo," biglang salita ni Doc Zrion na halos magpalundag sa