PART 54

2587 Words

***LEREN’s POV*** Sa sama ng loob at sobrang inis ko na dadalo pala akong mag-isa sa sayawan sa fiesta ng Santa Monica ay namalayan ko na lamang na umiiyak ako. Nakadagdag pa ang inis ko na wala akong cellphone dahil itinapon niya. Imbes na matatawagan ko sina Xalene at Corinne para mabawasan ang pagdaramdam ko ay wala tuloy. Hindi tuloy ako makapag-tsismis. Inis na inis ako dahil anong silbi ng suit at gown na binili namin? Sana hindi na lang kami bumili kung hindi naman matutuloy. Paasa na dyablo! “Tara na, Boss. Kailangan ay nandoon na tayo sa resort bago dumating ang chopper,” bigla ay boses ni Al na narinig ko mula sa labas ng pinto ng kuwarto ko. Napakislot ako’t napatingin sa pinto. Aalis na sila? “Let’s go,” boses naman ni Doc Zrion. Aalis na nga sila. Alas-kuwatro na siguro.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD