CHAPTER 3

1184 Words
CHAPTER 3     PAGKARATING ni Madeline sa bahay nila ay sinalubong na siya ng kambal niyang kapatid. Kapwa masayang yumakap sa kanya at nanghihingi ng pasalubong.   "Pagpasensyahan niyo na muna si Ate, medyo nagkaroon lang ng konting gusot sa trabaho," utas ni Madeline sabay tumawa ng mahina.   "Gusot na naman? Naku, Ate Madz, lagot ka na naman kay Poppy!" sita sa kanya ni Bubu, ang pitong taong gulang niyang kapatid.   "Sshhh, baka marinig ka ni Poppy, kawawa na nga si Ate Madz kakawawain mo pa!" saway naman ni Ren-Ren, ang kambal ni Bubu.   "Kawawa-kawawa ka diyan, paano na iyong motor? Bibili ulit ng bago tas iiwan ulit dahil nasabak na naman sa gulo? Kung ako sa'yo Ate Madz mag-aral ka ng taekwando o Judo Karate para sa susunod na harangin ka ng mga tambay sa kanto, sapakin mo isa-isa sa mukha," litanya ng kapatid niya na may kasama pang pagsuntok sa ere.   "Aw! Ano ba?" sita ni Ren-Ren ng matamaan ng suntok ni Bubu. "Umiiral na naman iyang pagka-hoodlum mo, puro ka kalokohan pero iyong grades mo pang bopols!"   "Aba't, epal ka hindi pang bopols mga grades ko. Ikaw nga, puro ka pagpapantasya doon sa Ezekiel na iyon, eh hindi ka naman papansinin nun!" Pang-aasar ni Bubu sa kambal niya. "Aw! Masakit iyon, ah!"   "Tumigil na nga kayo, asan si Mama?" Saway niya sa dalawang kapatid at nagtungo sa kusina.   "Sumama kay Poppy sa office, mukhang may malaking kliyente na nag-oorder ng supplies. Ang sabi ni Mama, kapag dumating ka ipagluto mo raw kami ng hapunan tas mag-review ka na para sa entrance exam mo," sagot ni Ren-Ren.   Entrance Exam? Oh Shit! Muntik ko nang makalimutan.   "Ano bang gusto niyong lutuin ko?" tanong niya sa kambal.   "Ate Madz, tumatanda ka na talaga. Ts! Tsk! Tsk!" Iiling- iling na sabi ni Bubu sa kanya.   Tinaasan niya ito ng kilay at humalukipkip. "Anong konek nun sa tanong ko? Tsaka hindi pa ako matanda mag-e- eighteen pa lang ako 'no?"   "Psh! Di ba napag-usapan na natin kanina bago ka umalis na bibili ka ng sangkap para sa menudong baboy dahil sabi mo ipagluluto mo kami ng paborito naming ulam?" nang-uuyam na sabi ni Bubu.   Napangiwi siya sabag kagat ng labi. Tama nga naman ang sinabi ng kapatid niya pero dahil nga sa insidente kanina, nawala na sa isip niya iyon.   "Magsisigang na lang muna ako ngayon masarap din naman iyon, eh," nakabungisngis na sabi niya na nag-peace sign pa sa nakasimangot na si Bubu.   Huminga ito ng malalim at sinamaan siya ng tingin. "Ang hirap talaga sa earth!  Dumadami na ang paasa! Iyong akala mong matitikman mo na, nauwi na naman sa nganga."   "Gusto mo bang makatikim? Halika dito, tigilan mo ako diyan sa kakahugot mo, Ibrahim ah," sita niya sa kapatid at nagpuntang kusina para maghanda ng pagkain nila.   Pinalaki sila ng mga magulang nila na walang katulong. Hindi naman sa naghihirap sila o hindi nila kayang kumuha ng katulong, gusto lang ng mga magulang nila na matuto silang tumayo sa sarili nilang mga paa. Iyong hindi dumepende sa mga ito at magkaroon ng kalayaang gawin ang gusto nila as long as hindi makakasama sa kanila.   "Ate Madz, may tanong ako," saad ni Ren-Ren na sumunod sa kanya sa kusina dala ang librong binabasa.   "Mm?"   "Bakit gusto mong mag-aral sa Acadia International School, ‘di ba puro mga mayayaman ang nandoon? Bihira lang ang mga nakakatanggap ng full scholarship program at balita ko pa ang sasama ng ugali nang mga estudyante doon."   Nginitian ni Madeline ang kapatid niya. Alam niya naman ang bagay na iyon pero kailangan niyang mag-aral doon para makakuha ng certification at makapag-aral sa ibang bansa.   "Yeah, bihira nga lang talaga at isa ako sa mga bihirang estudyante na nakakuha ng full scholarship program. Bakit ko sasayangin ang opportunity na iyon, ‘di ba? Isa pa gusto kong mag-aral abroad para kahit papa’no ay makatulong na kina Poppy, sa bilis ng panahon ngayon baka hindi ko na mamalayan ang paglaki niyo ni Bubu at dagdag gastusin iyon kina Poppy. Which is, mas lalong malulugmok sila sa trabaho at ayoko namang mangyari iyon," mahabang salaysay na sabi bi Madeline.   Niyakap siya ni Ren-Ren mula sa likod. "Thank you, Ate Madz, promise po pagbubutihin ko rin ang pag-aaral ko para makatulong din ako sa inyo nina Poppy." Parang may humaplos sa puso ni Madeline, pagdating sa mga kapatid niya talagang umiiral ang pagiging pusong mamon niya.   "Sali din ako," singit naman ni Bubu kaya naman hinarap niya ang dalawa.   "Group hugs!" sabay-sabay na sigaw nilang tatlo at nagtawanan.     *****   NANGHIHINANG napasandal si Jeru sa upuan, ipinikit niya ang mga mata at minasahe ang sentido. Katatapos lang ng okasyon na dinaluhan niya sa Tokyo, ngayon naman kailangan niyang magpuntang China for the dinner meeting with the Prime Minister.    ‘This is absurd! I'm freaking tired. I need to rest.’ sabi niya sa kanyang sarili.   "Young Master, after your dinner meeting in China, your Grandmother booked a Hotel suite for you to spend the night there. Tomorrow at five in the morning, you have to travel back for your family gathering in the white mansion," saad ng kanyang secretary na si Mrs. Damian.   Hindi siya nag-abalang imulat ang mga mata, itinaas niya lang ang isang kamay para iparating dito na narinig niya ang sinabi nito.   "Hijo, do you want anything?" Tanong naman ni Mr. Bauer na nakaupo sa harap niya at nagbabasa ng diyaryo.   "Nah, I'm fine," wala sa loob na sagot niya dito.   Madeline Mijarez. Biglang lumitaw sa isip niya ang maamo nitong mukha at masayang nakangiti sa kanya. At ayon na naman ang kakaibang pakiramdam niya na nagsisimulang sumibol sa dibdib niya.   Wala sa sariling napahingang-malalim si Jeru at sumilay ang magandang ngiti sa mga labi nito.    Nagkatinginan naman ang dalawang matanda na naka-saksi sa nangyayari kay Jeru. Agad namang hinila ni Mrs. Damian ang nagulat na si Mr. Bauer.   "Tell me, what on earth was happening to the Young Master?" bulong na tanong ni Mrs. Damian kay, Mr. Bauer.   Napangisi si Mr. Bauer nang maalala ang nangyari kaninang tanghali kay Jeru. Alam niyang tama ang kutob niya dahil simula kanina pagkaalis nila doon sa lugar ng dalaga ay gumanda ang mood nito at naging aktibo. Kakaiba ang ikinikilos nito kaya isa lang ang ibig sabihin nun. Pinalapit niya pa si Mrs. Bauer na agad namang sumunod. Bumulong si Mr. Bauer sa punong tenga ng Ginang na halos magpataas ng balahibo niya sa buong katawan.   Biglang nanlaki ang mga mata niya at nahampas ng dala niyang notebook si Mr. Bauer.   "Aw! Ano ba, masakit iyon, ah!" Mataas ang boses na saad ni Mr. Bauer.   "What's happening there?" tanong ni Jeru na napamulat dahil sa sigaw ni Mr. Bauer.   "Ah, it's nothing, Young Master, sinumpong na naman ng rayuma si Mr. Bauer. Alam mo naman tumatanda na," sagot ni Mrs. Damian na nagpeke pa nang tawa.   Sasabat pa sana si Mr. Bauer pero hindi na nito ginawa dahil pinandilatan na siya ni Mrs. Damian. Bumalik naman sa pagkakapikit si Jeru at pinilit na magpahinga kahit ilang minuto lang bago lumapag ang eroplano sa China.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD