"NASANAY ka na kay Mommy, bunso?" isang gabi ay sinadya ng kambal ang kapatid nilang babae. Ito ang bunso ngunit hindi kagaya ng iba na kadalasan ay brat at spoiled. Hindi rin ito pakawala. Mad nanaisin pa nitong mag-drawing at magsulat kaysa lumabas at magaya sa mga liberated na kababaihan sa bansang Los Angeles. Kahit gustuhin nilang ma-expose ito sa ibang tao at paunti-unting mawala ang takot sa dibdib ay wala rin silang magawa. Dahil hindi nila ito maaring pilitin. May sakit ito sa puso ma silang pamilya sa California ang nakakaalam. Hindi nga ito nakikipag-usap sa ibang lalaki maliban sa family members nila. "Yes, Kuya. Nagugulat lang minsan kapag nakasinghal kay Daddy. Ah, teka lang mga Kuya. May sasabihin ba kayo sa akin?" balik-tanong nito. Dahil sinadya naman nilang dalawa ang