"WELL, well... Kanino ako nagkautang at napadalaw dito ang pinsan kong balo forever? Ah, let me guess, cousin, pinalipad ka na naman ng anak mong malditang may sungay ano? Tsk! Ang babaeng iyon ay kulang na lamang ibulsa ka." Mapang-asar na salubong ni Whitney Pearl sa pinsang balo o ang asawa ng isa sa mga matalik niyang kaibigan ngunit nasa kabilang mundo na rin. Mas nauna pa nga itong pumanaw kaysa kay Sandra. "Wifey, maari bang papasukin mo muna si bayaw bago mo interview-hin?" Pamumuna tuloy ng kaniyang asawa. "Bayaw, sa palagay ko ay malapit na kayong magkaapo ni pinsan. Ngunit mukhang hindi ka pa nasasanay ah." Pagitna tuloy ni Clyde. Aba'y siya ngang paminsan-minsan lang makita ang pinsan ay nasanay na siya. Subalit ang bayaw niya ay mukhang naninibago pa rin. "Nasanay na, ba