SAMANTALA, sa grupo ng mga taong nagkakasiyahan sa plaza sa siyudad ay bahagyang tumalilis ang apat na lalaki para makapag-usap nang maayos. “Ano’ng balita sa usapan natin, mga pre,” halos pabulong na tanong ng isang lalaki. “Ang sabi ni Boss, nandito na raw ang target pero hindi pa raw namataan kung nasaan banda ito,” tugon ng lalaking kausap nito. “Incomplete report naman kasi iyan, pare. Dapat eh alam na kung nasaan siya para mas mabilis ang pagtumba sa kanya.” “Matanong ko lang, p’re. Ano daw ang kasalanan ng ipinapatumba niya?” tanong sa dalawa ng isa pang lalaki. “Para ka namang bago riyan, oo. Kailan pa nila sinabi sa atin ang kasalanan ng mga pinapatumba?” naiiling naman na ani ng ikaapat na lalaki. “Basta umayos lang tayo, mga pare, lalo na ang mga galaw natin. Mahirap na, b