SA kabilang banda, sa pagkamatay ng kapatid niya ay sa kaniya lahat napunta ang responsibility lalo na sa negosyo. Ganoon pa man hindi pa rin siya nakakalimot sa kaniyang girlfriend. At sa pagkaalala sa kasintahan ay natigilan siya. "Kumusta na kaya siya? I miss her so much," napabuntunghininga niyang sambit. Sa lahat na yata ng puweding mangyari ay ang pagiging magkalaban ng kapatid at girlfriend niya. Ang nobya niyang hindi niya lubos akalain na isa pala itong alagad ng batas. At sa pag-iisip niya lalo na sa katotohanan tungkol sa tunay nitong trabaho ay muli siyang napabulong. "Ngayon nauunawaan ko na kung bakit ganoon na lamang ang galit niya kay Howard. It's not just as he's the man of Sandra. Dahil mas malalim pa pala roon ang dahilan. Ito ay magkalaban silang dalawa. Isang dr