"KUMUSTA ka na, wifey? I miss you." Ang unang salitang nanulas sa labi ni Patrick Niel nang iminulat ng asawa ang mga mata sa loob ng isang linggong pagtulog!
Oo! Isang linggong natulog ang mahal niyang asawa simula noong dumating ito.
"WHAT'S that sound, Sam? Did you forget to close the door when you went outside a while ago?" Dulot ng pagkagulat ay iyon ang nanulas sa labi ni Patrick Niel.
"Heh! Ako muna ang Ate ngayon, brother. Gun shot iyon--- What?! A gun shot inside the house?! Move, Kuya! Baka kung ano na ang nangyari?!"
Sa kaisipang may nagbabarilan sa loob ng pamamahay ng mga Harden sa Los Angeles samantalang silang dalawa lang ang nandoon ay napatakbo silang magkapatid palabas upang alamin kung amo ang nangyari.
Kaso!
"Wifey!"
"Ate!"
Sabayan pa nilang sambit nang mapagsino ang nakahandusay sa harapan ng bahay. Nakapasok ang kalahati ng katawan habang ang kalahati ay nasa labas. Ang baril nitong kuwarenta-singko ay hawak-hawak habang ang sniper gun ay nakapatong sa katawan.
"Take those guns away, Sam. Ako na ang bubuhat sa kaniya. Ah, ilabas mo muna ang medical equipment ko sa maleta at kailangan ko siyang check up. Now na, Sam," utos niya sa kapatid bago muling binalingan ang asawang nakahandusay sa sahig.
"You are finally home, leona ko. Sana sumigaw ka na lamg upang ipaalam na nandito ka kaysa ang baril mo pa ang iyong ginamit," bulong niya saka ito binuhat.
"Bakit ang payat-payat mo na, wifey? Hindi ba nila kayo pinakain sa Baghdad? Ah, bakit hindi ka na lang tumawag at pinasundo ka ni Tito Ninong este Daddy pala---"
"Kuya, aba'y maari bang mamaya mo na kausapin si Ate? Susme, imbes na maagapan mo na siya ay hindi na dahil inuna mo pa ang pangangastigo sa kaniya samantalang wala siyang malay." Tuloy ay hindi mawari kung nagpapaalala si Sam o nang-aasar.
Subalit hindi na iyon pinatulan ni Patrick Niel. Dahil totoo naman ang tinuran nito. Buhat-buhat niya ang asawa ngunit hindi naging hadlang iyon upang hindi makaakyat sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naroon ang silid nito.
Bilang isang doctor ay naging madali sa kaniya ang sunod-sunod na gagawin lalo at dala-dala naman niya kahit saan man magpunta ang medical equipment niya.
"MALAKI ang ibinagsak ng katawan niya, Sam," ilang sandali pa ay sabi niya matapos makasiguradong wala ibang problema sa katawan nito.
"Sabi mo nga, Kuya, kung hindi pa siya siguro dumating ngayong araw ay dehydrated na siya. Dahil natutuyo na ang fluids sa kaniyang katawan. Kawalan ng pagkain at tubig ang number one na dahilan. Ngunit ang mahalaga sa ngayon ay nakauwi siya total doctor ka naman," tugon nito na halatang pinagmamasdsn din ang mahal niyang asawa.
"Kaya siguro nagparamdam sa akin na magluto ng mga paborito niyang pagkain, Sam. Ngunit paano niya makakain ang mga iyon samantalang walang kasiguraduhan kung kailan siya gigising. Ayon din sa pagsusuri ko sa kaniya ay dumanas siya ng matinding hirap. Look on her bruises. Her skin seems so---"
"Wait! Pinahirapan kaya sila sa Baghdad? Alagad na ng batas, Sam. Ano sa palagay mo? I also remember the marks on her back that I saw when I changed her old ragged-- F*ck! Tama! Sa loob ng panahong wala siya rito, sumabak sila sa giyera. Unipormadong nagtungo sa Baghdad tapos ganoon din ang suot na dumating. My God!"
Sa kaisipang minaltrato ang asawang pusong mamon kahit leona sa panlabas na kaanyuhan ay napamura at napakuyom ng palad ni Patrick Niel.
"Nandito na siya, Kuya. Kaya't kaysa puro wild guessing ang nasa isipan mo ay hintayin na lang natin siyang magising at maitanong sa kaniya kung ano ang nangyari. Kung bakit ganyan ang hitsura niyang dumating. Sa tanong mo ay malaki ang posibilidad niyan. Alam naman natin kung gaano ka-brutal ang mga kalaban ng gobyerno roon. Dahil hindi naman natin maaring lahatin. At sana magising na siya upang makausap ko bago ako pupunta ng airport."
Mahaba-haba ring pahayag ni Samantha. Pero sa nakikita niya ay imposibleng mangyari iyon. Dahil sa nakikita niya ay talagang dumanas ito ng matinding torture. Sa mga bakat na lamang ng latigo, pasa na maaring dulot ng sigarilyo.
Then...
"We are both law enforcers, Ate Whitney Pearl. Let me salute you for your bravery. You suffered and endured a lot while you are fighting those Arab people. But you managed to bring home yourself alive, kicking, and most especially, you came home in one piece. Hand salute, FBI Officer and international lawyer Whitney Pearl Harden Aguillar."
Tulog na tulog ang hipag niya na isang abogada sa Los Angeles Court at Special Supervisory Agent sa FBI ngunit hindi sagabal iyon upang hindi niya ito saluduhan. Bahagya pa nga siyang yumuko bilang paggalang.
SAMANTALANG bahagyang napakislot si Patrick Niel dahil sa inasta ng Chief Inspector niyang kapatid. Ilang sandali rin siyang hindi nakaimik.
"Thank you, Sam. Alam kong ginawa mo ang tungkulin mo bilang isang alagad ng batas. Ngunit ako na ang nagsasabing malabong gigising ang Ate mo ngayong araw. May trabaho kang naghihintay sa bansa natin. Kaya't kahit gusto kitang makasama rito ng matagal-tagal kung may trabahong naghihintay sa iyo ay wala tayong magagawa. Go and pack your things and be ready for your flight. Itatawag ko rin sa inyo sa Baguio kapag magising na ang Ate mo," pahayag niya saka bahagyang sinulyapang muli ang asawa bago iginayak palabas ng silid ang kapatid.
"Kung ganoon ay hindi na ako makipagpilitan sa iyo, Kuya. Kung tungkol sa kalusugan ay ikaw ang mas nakakaalam dahil ikaw ang doctor," tugon nito.
Hindi nga sila nagkamali. Dahil hanggang sa nagtungong airport si Samantha ay nanatiling tulog ang leona. Ganoon pa man ay laking pasasalamat ng lahat dahil nakauwi ito ng buhay.
"KAILAN ka pa nagkapakpak, lampa ko? Sa pagkakaalam ko ay nasa earth pa naman ako."
Dulot man ng pagtulog ng isang linggo ay iyon ang unang nanulas sa labi ni Whitney Pearl o ang tugon sa pangungumusta ng asawa.
"Hanep ka naman, bunso. Aba'y kinukumusta ka ng asawa mo pero iba naman ang sagot mo. Tsk! Tsk! Iba yata ang epekto ng natulog ng isang linggo ah." Pang-aasar ng bigla ring sumulpot na si Bryan Christoph.
Subalit sa narinig ay nanlaki ang mga mata ni Leona. Hindi lang iyon, napabalikwas pa siya ng wala sa oras. Kung ganoon ay hindi panaginip ang lahat? Akala nga niya ay nagkaroon siya ng mahabang panginip. Kung saan prinsesa siya sa asawa. Pinaliguan, pinakain, binihisan. Siya na hate na hate niya ang walang ginagawa pero natulog ng isang linggo?
Unbelievable at all!
"Dahan-dahan lang, wifey. Tama naman si Kuya BC. Kung hindi ka pa gumising ngayong araw ay pang walong araw na. Hindi mo ba matandaan kung paano ka nakauwi or pumasok?"
Tinig ng asawa niya ang bumulabog sa naglalakbay niyang diwa. Ngunit sa tinuran nito ay unti-unting nanumbalik sa kaniyang isipan ang lahat. Kung paano siya tumakbo papasok sa kabahayan dahil sa pag-aakalang pinasok ang bahay nila sa kabila ng nakapalibot na hidden cameras and weapons. Nanghihina siya nang araw na iyon. Dahil kahit noong nasa Jordan sila ay naramdaman na niya ang sakit sa katawan.
"Kung ganoon ay ikaw ang nagbukas sa main door? Ang mga bintana? Kung natulog ako sa loob ng isang linggo, ibig sabihin ay hindi panaginip ang lahat? In my dream, I saw you, hubby. On how you took care of me, feed me and bath me. So, how long have you been here in Los Angeles?" kapagdaka'y muli niyang tanong.
"Isang linggo na kami ni Sam noong dumating ka, wifey. And you slept for one week as well. Ibig sabihin ay dalawang linggo na akong nandito. Ah, huwag mo ng hanapin si Sam, wifey. Dahil umuwi rin siya ng araw na iyon dahil sa tawag ng tungkulin. About your dream, totoong nangyari iyon. Ang pagkakaiba lamang ay food supplements ang bumuhay sa iyo sa loob ng isang linggong pagtulog mo. At kung ilang araw na si Kuya rito ay kadarating lang din niya," matiyagang pahayag ni Patrick Niel na sinundan ng bayaw niya.
"Tama ang asawa mo, bunso. Nandito ako para sa isang meeting. Magpalakas ka at mukhang namimiss ka ng mga baril mong kahit ano'ng nangyari ay hindi mo raw binitiwan. Kidding aside, bunso. Magpagaling ka upang makunsumo n'yo na ang inyong honeymoon. Ah, baka makalimutan ko ring ipaalam, nakasalubong ko diyan sa labas ang isa mong tauhan. Jones yata ang pangalan no'n," anitong sinabayan pa ng mapanuksong hagikhik.
Tuloy!
Napataas ang kilay ng bagong gising na si SSA at Attorney Whitney Pearl Harden Aguillar!
"Hayaan mo na si Kuya, wifey. Ang mahalaga ay magpalakas ka. We will consummate that part later. Saka totoo namang nakapaibabaw sa iyo ang sniper gun mo ng araw na dumating ka. Ang calibre kuwarenta-singko ay hawak-hawak mo na maaring hindi mo namalayang nakalabit. Kaya nga kami naalerto ni Sam."
Muli ay pagkukuwento ni Patrick Niel. Birong-totoo naman kasi ang pahayag ng bayaw niya.
Nang oras na iyon ay walang hanggang kuwentuhan ang namayani sa kanilang tatlo. Kung ano-ano ang kanilang pinag-usapan. Hanggang na nagpaalam na rin si Bryan Christoph na lilipat na sa silid. Samantalang silang mag-asawa ay nagpatuloy sa usapan. Doon ikinuwento ni Whitney Pearl kung ano ang karanasan sa loob ng halos isang buwang pagkawala o ang pagka-deployed sa Baghdad Iraq.