"SIGURADO ka bang okay ka lang, Madam Aguillar? Aba'y kung kailan nandito tayo sa Los Angeles ay saka ka naman mukhang bumigay," pukaw ni William sa superior nila na halatang namumutla.
Sabagay, simula napadpad sila sa Gitnang Silangan ay pawang karahasan na yata ang kanilang naranasan. Wala nga silang naayos na tulog at kain. Kaya't hindi na rin nakapagtataka kung bumigay ang katawan ng amo nila.
"Kayo na rin ang nagsabing nandito na tayo sa Los Angeles. Pagod at puyat ito. Pagdating ko sa bahay at maitulog ko ng ilang araw ay magiging okay na," pahayag ni Whitney.
Subalit sa pagkaalala sa huling bahagi ng binitawan niyang salita ay napahagikhik siya. Hindi nga siya sanay na walang pinagkakaabalahan. Iyon pa kayang matulog ng ilang araw? Impossible iyon sa kaniya.
"Seriously, Madam. I'm suggesting you to go and consult a doctor. Hindi biro ang hirap na pinagdaanan natin sa Baghdad Iraq. Okay lang sa aming mga lalaki. Ngunit sa tulad mong babae ay mahirap," giit ni Jones.
Malaki na rin ang improvement ng paa nito. Laking pasasalamat nga nila sa Jordan Airways na sinakyan nilang lima. Dahil kaagad na inasikaso ang sugat nila. And yes. Lahat sila. Dahil hindi rin biro ang tinahak nilang daan upang makarating sa Southwest border. Ngunit ito kasi ang pinakamalala.
'Doctor? Kumusta kaya ang asawa kong doctor? Hindi ko kailangan ang ibang doctor dahil siya lang ay sapat na,' aniya sa kaniyang isipan.
"Madam? Aba'y mukhang nakauwi na sa Pilipinas ang isipan mo ah. Imagining of your husband?" tinig ng isa niyang tauhan ang nagpabalik sa kaniyang kamalayan.
"Hindi naman. Pero naalala ko ang asawa kong doctor. Kako, hindi ko na kailangan ang iba pang doctor basta nandiyan siya. He is a general surgeon, by the way."
Hindi siya pala-kuwento tungkol sa personal niyang buhay. Subalit sa oras na iyon ay kusang nanulas sa kaniyang labi ang tungkol sa kaniyang asawa.
"Now that we are back here in Los Angeles, Madam. You can call him to take him here. If we didn't arrive here today, it's been a month. Meaning, it has been a month since you were away from him after you got married." Panunulsol pa ng isa.
Nasa harapan man sila ng airport pero hindi naging sagabal iyon upang magsutilan silang lima. Wala man sa kanila ang bumanggit sa superior nilang lima ngunit sigurado naman silang iisa lamang ang nasa isipan nila. Tumagal nga rin ng ilang minuto ang bardagulan nila bago naghiwa-hiwalay.
'I kinda miss him. Kumusta kaya ang lampa kong iyon? How I wish na ganoon kadali at isang tawag ay nandito na siya,' aniya sa isipan saka tinawag ang taxi at nagpahatid sa kaniyang bahay.
BAGUIO CITY, PHILIPPINES
"Aba'y mukhang may good news ngayon, honey? Kanina ka pa tawa nang tawa ah. Baka naman maaring share mo sa akin at makitawa rin ako," ani Ginang Yana.
"Dapat lang na makitawa ka, honey. Dahil itong manugang natin ay naging chef na yata. Siya ang kausap ko. Nag-long distance para lang itanong kung ano ang paboritong pagkain ng asawa," tugon naman ng Ginoo na talagang nagniningning ang kasiyahan sa buong mukha.
"Heh! Kung kanina mo pa sana sinabi disin sana ay---Wait! Dumating na raw ba anak natin, Hon? Kung ipagluluto niya ito ay siguradong---Kumusta na raw ang leonang iyon?" Sa kaisipang ipagluluto ng kanilang manugang ang asawang independent simula pa noong dalaga ay hindi magkandatuto si Ginang Yana.
"Hindi pa raw, Hon. Pero gusto raw nitong pag-aralan. Dahil ipagluluto raw niya ito pagdating. Halata sa boses ang pangungulila sa asawa. Ang sabi niya ay nadatnan nila ni Sam ang dating Yaya ni Kenjie. Kinausap siguro nina Cassey," muli ay paliwanag ng Ginoo.
"Kamo baka nagparamdam na malapit ng bumalik ang asawa. Kahit noong nandito ay ganoon naman. Kitang-kita sa kilos at pananalita ang pangungulila sa asawa. Well, kayong magkakaibigan, abay mukhang may binabalak na naman kayo ah. Ang sabi ni Sis Weng, paparito silang mag-asawa. Aba'y baka naman maaring ibulong mo sa akin iyan." Nakataas na nga ang kilay habang kausap ang asawa ay nakatawa pa si Ginang Yana.
Well, that's how they keep their relationship alive and stronger.
LOS ANGELES CALIFORNIA
"Kuya, ano iyang niluluto mo? Aba'y kung kailan babalik na ako sa Pilipinas ay saka mo naman yata maisipang magluto ah," tanong ni Samantha sa kapatid.
"Paboritong pagkain ng Ate Whitney mo. Ang sabi ni Daddy ay mahilig daw siyang kumain ng vegetables salad, abodong sitaw at tinolang manok na may sahog na dahon ng ampalaya," tugon nitong hindi man lang nag-abalang tumingin sa kinaroroonan niya.
Magkatabi lang naman silang dalawa. Subalit dahil ito ang nasa kusina at siya ay nakatayo sa pintuan ay hindi na nito napansin ang ngiting bumalot sa kaniyang mukha.
'Sana magpang-abot pa kami ni Ate Whitney. Ah, iyan pa sng nasa utak ko. Sana nasa mabuti siyang kalagayan at makauwi na rito. Halatang miss na miss na siya ni Kuya. Kahit wala siya rito ay ipinagluluto siya,' tahimik niyang sambit saka lumapit dito.
"Hanep si Kuya. Aba'y paano kung mapanis ang mga iyan? Alam kong miss na miss mo na si Ate. Pero ang ipagluto ang wala rito ay ibang usapan. Oh, baka naman nagparamdam sa iyo na uuwi na siya?" Idinaan na lamang niya sa panunukso ang lahat.
Well, ayaw din naman niyang umasa ito. Kahit lahat sila ay iisa ang hinihiling sa Diyos o ang makauwi na ang hipag niya. Ngunit nais din niya itong imulat na panatilihin na lamang sa puso at isipan ang hope.
"Sam, mahigit dalawang dekada kaming mag-asawa na walang kaalam-alam. Nahintay ng panahon ang ganoon katagal bago kami pinagtagpong muli. Ang ipagluto ko siya ng mga paboritong pagkain. Darating man siya ngayon o hindi ay walang problema ang mahalaga ay nagawa ko ang alam kong tama.
By the way, ano'ng oras ba ang flight mo? Tsk! Ang lakas ng loob mong hamunin akong samahan dito hanggang pagdating ng Ate mo. Pero ano ka ngayon, tawag ng tungkulin."
Bahagyang itinigil ni Patrick Niel ang ginagawa at hinarap ang bunsong kapatid. Pakamot-kamot na naman ito sa ulo na wari'y hindi binanlawang mabuti ang buhok!
SAMANTALA napapikit si Whitney dahil kung kailan nasa harapan ba siya ng kaniyang bahay ay saka naman niya mas naramdaman ang sakit ng katawan niya. Over fatigue ang alam niyang dahilan.
"Madam, are you okay? We are here already. Did I bring you by mistake in the wrong place?" dinig niyang tanong ng taxi driver.
"Oh, sorry for making you worry, brother. I'm just thinking of something. Here, take my fare. Thank you." Pasasalamat na lamang niya masabay ng pag-abot sa pamasahe.
"It's nice to hear that, Madam," tugon nito saka hinintay na makababa siya ng maayos bago pinasibad ang taxi palayo sa harapan ng bahay niya.
Kaso!
"Nandito ba sina Mommy? Walang ibang nakakapasok dito kundi kaming pamilya," bulong niya dahil kitang-kita niya ang nakabukas na main door.
"No! Baka naman pinasok na ito ng mga masasamang tao kaya't bukas ang mga bintana at main door--- F*ck! No! This can not be!" aniyang muli.
Ngunit sa kaisipang pinasok ng mga problema ng gobyerno ang bahay niyang napapalibutan ng hidden cameras at secret weapon ay kaagaad niyang tinakbo ang maliit na pintuan upang hindi malaman ng nasa loob nag kaniyang presensiya. Nagmistula siyang agila dahil sa bilis.
Subalit kung kailan nasa mismong main door na siya at binunot ang calibre kuwarenta-singkong baril sa likuran niya ay saka naman siya napaatras dahil sa panlalabo ng kaniyang paningin. Dahil dito ay nabitawan niya ang back pack at sniper gun. Wala naman sanang problema dahil nasa bahay na siya. Ngunit sa pag-atras niya dahil sa panlalabo ng mga mata ay pumutok ang baril! Nakalabit man niya o sadyang lumikha ng ingay ay hindi na nagsumiksik sa kaniyang isipan.
Tuloy!
Lumikha ito ng kumosyon!
Pero iyon din ang huli niyang natatandaan. Ang pagbagsak niya sa sementadong sahig sa mismong harapan ng main door!