CHAPTER THIRTY-NINE

1425 Words
"WELL... Well... Sa wakas ay nahuli lo rin kayong mga daga. Imagine that? Ilang araw n'yo rin akong pinahirapan?" "Miss, huwag mong sayangin ang iyong buhay sa giyera. Ang magandang dilag na tulad mo ay nababagay sa kabahayan at magparami ng lahi." Malisyusong pinaglipat-lipat ni Boss Ali ang paningin sa lima niyang bihag hanggang sa natapat sa sniper ng grupo. Kaso! "Gag*! Kausapin mo ako sa salitang magkaunawaan tayo, hay●p ka!" sigaw ni Whitney at pumalag dahil akma siyang hihipuan ng isang arabong hindi niya matukoy kung ilang taon na ba itong hindi nag-ahit ng balbas! Hindi rin naman ito agad sumagot. Maaring itinanong pa sa katabi nito ang ibig sabihin ng sinabi niya. "Oh, really? English people like you, Americans should learn how to speak our language here in the desert before entering. Dahil kayo rin ang mahihirapan!" sigaw nitong muli. Pero sa isipan ni Whitney ay pag-aralan man niya o hindi ang lengguwahe ng bawat bansa na pinupuntahan ay nauunawaan niya. Dahil high tech ang suot niyang military watch. Kahit ang earpiece nila ay ganoon din. Mayroong automatic translator. Ngunit sila-sila lamang din ang nakakaalam sa bagay na iyon. "Why should I do that, you barbaric person? If you are really a good leader, you will never sacrifice the lives of your men. But what did you do? Aside from fabricating a commotion, you disturbed those people who are worshipping your God. And now you are telling me that it's our problem? F*ck off, idi●t! We are not barbarian like you!" Naunawaan man nito o hindi ang sinasabi niya ay wala na siyang pakialam. Tumingin siya isa-isa sa nga tauhan niya ay iisa lamang din ang nakuhang sagot. 'Let's do it, Madam'. Wala silang mapapala sa bansang Baghdad. Lahat sila ay wipe out oras na manatili sila roon. They did to them, that is why she and her team can do as well. "Magaling! Magaling, Miss. Pero sabi ko naman sa iyo na huwag mong sayangin---" "Hay*p! Kayong nga arabo lamang ang ganyan! Kayo-kayo mismo ang nagpaparamihan ng lahi! Kaya nga maraming sira-ulo sa lahi ninyo! Hah! Ako? Paramihan mo ng lahi? In your dreams, stup!d! D●mn you, barbarian! Magpaparami ako ng lahi pero sa asawa ko hindi sa tulad mong ilang taon yatang hindi nakatikim ng ahit ang balbas!" Totoong nanggaling sa kalooban niya ang bawat salitang binitiwan. Ngunit mas nangingibabaw ang pang-iinsulto niya rito. Wala siyang pakialam kung ma-translate mab o hindi ng translator nito ang mga sinabi niya. Kaso! Ito naman ang gusto niyang patayin! Dahil nag-translate nga pero kabaliktaran naman ng mga sinabi niya! Tuloy! "Hoy, ikaw na taga-salin ng salita, kabayan ka ba o isa ka namang animal ba walang magawa aa buhay? Hah! Gag*ng ito eh, isalin mo ng maayos sa boss mong demonyo ang mga sinabi ko!" bulyaw niya rito. "At ano'ng nakakatawa sa sinabi ko, guys? Hah! Iiwanan ko kayong apat dito! Tsk!" Baling niyang nakaingos sa nga tauhan! Talagang iiwan niya ang mga ito kapag siya ang tuluyang mawala sa katinuan! Kinabisado niya ang bawat dinadaanan. Kaya't sure siyang nakaimbak na sa kaniyang isipan. 'Erase-erase! Walang ibang magtutulungan ngayon kundi kaming lima. Patawarin ko na lamang muna sila.' Pangaral niya sa sarili. "Abdul, sabihan mo akong muli kapag papayag na siya sa aking offer." "Miss Matapang, maiiwan dito ang translator ko. Oras na magbago ang isipan mo at pumayag na maging panglima kong asawa ay makalaya kayong---" "Tarantad*! Asawahin mo ang iyong sarili lint!k ka! Hah! Aanhin ko ang pang-lima samantalang may asawa akong naiwan bansa namin! Hah! Nasa modern day na tayo, gag●! Hindi na uso ang magpakasal na walang pagmamahal, diyabl●! Isa pa ang bansa ninyong hindi mawala-wala ang polygamy system! Para kayong nga as●ng gala basta na lamang bubuka at papasok ang nga kahay@p@n ninyo!" Isang salita isang hindi kaaya-ayang salita. Ngunit mas nasisiraan siya ng ulo dahil bawat binitiwan niyang bad words ay kabaliktaran ang sinasabi ng translator. AFTER sometimes... "Madam, huwag ka ng magalit. Ngunit kung natatandaan mo ako ay isa ako sa nga tinulungan mo dati. Maaring nandito ako sa Iraq pero pinoy na pinoy ako. Nangyari lamang na kailangan kong sumanib sa kanila dahil--- Dahil isa ang ina ko sa asawa niya." Nagulat silang lima dahil na rin sa kusang nagsalita ang translator sa salitang Tagalog. "Ah, pasensiya ka na, Hijo. Pero hindi kita maalala. Mayroon akong amnesia kaya't hindi ko maalalang may tinulungan akong tulad mo. Saang banda pa ito ng Baghdad?" aniya. Hindi man kaagad sumagot ang translator, halatang siniguradong walang ibang makarinig sa sasabihin. Subalit kumuha ito ng ballpen at papel saka nagmadaling sumulat saka ipinabasa sa kanilang lima. "Nandiyan sa bulsa mo, Ma'am, ang sagot sa tanong mo kanina," anito. Ngunit hindi iyon ang nakakuha at nakaantig sa kaniyang damdamin kundi ang ipinabasa sa kanila. Dereksyon iyon mula sa kinaroroonan nila hanggang makalabas sa teritoryong iyon. 'Five miles from here, there's a military barracks. It's the southwest part. You will fine the borders of Jordan and Iraq. Just follow the path. If you will take the wrong way or in the south, you will be headed to the borders of Saudi Arabia as well as the North. You will be in Turkey if that's the case. But the most safe path for you to get out of here, southwest. They are Muslims but there are Christians too. They will surely help you.' Dahil dito ay muli siyang napatingin dito at akmang magsasalita ngunit itinupi nito ang madaliang sulat saka ipinabulsa sa kaniya saka nagsulat muli. 'A few moments from now, the guards will be shifted. They are just like me. We will help you to escape from here. But never think of coming back here to get us out. Because all our sacrifices will be in vain. Even the cost will be our lives. It's worth it to save people like you. Our GOD in heaven will watch over you all.' Maaring mayroong papapasok kung saan sila nakatali sa paa at palad dahil basta na lamang nito isinilid sa uniform niya ang huling sulat. Kamuntikan pa ngang matanggal ang earpiece niyang may translator. Tuloy! Lihim silang nagkatinginan. Lalo na ng sumenyas itong huwag silang magpahalata. "ABDUL, go and fetch Hussain for me. Baka sakaling may malaman tayo mula sa kaniya tungkol sa mga iyan. Kasi pare-parehas naman sila ng salita," utos ni Boss Ali sa translator. "Sige, Boss. Pero ang sabi niya kaninang umaga ay may lakad sila ng grupo papuntang Syria. Si Abdulrahman ay sumama rin sa mga nagtungong borsers Saudi Arabia. Pero habulin ko kung nandito pa sa barracks," tugon nito. "Oh, kung ganoon ay hayaan mo na, Abdul. Kumusta naman ang Mama at mga kapatid mo? Ang sabi ng katulong na nakatuka roon ay bihira raw lumabas ang Mama ninyo. May sakit ba siya?" anitong muli. "Hmmm... Sorry, Boss. Pero hindi ko iyan masasagot. Dahil ilamg araw na akong hindi umuwi kina Mama. Kagaya ng bilin mo ay maging maagap sa mga puting bihag. Kahit ang mga karelihiyon natin sa building ay ganoon din. Kaya't ipagpaumanhin mo na, boss," sagot ni Abdul. "Oh, sorry for that, Abdul. Huwag kang mag-alala. Dahil pagkatapos ng kaguluhang ito ay back to normal na ulit ang buhay mo. I'll rewards you and your companion for serving us very well." Nakangiting tinapik-tapik ng boss sa balikat si Abdul. Tanging tango na lamang ang naging sagot ni Abdul sa amo. BAGUIO CITY, PHILIPPINES "So, how did it go, twin brother? It's been three weeks since then. Iba na talaga ang epekto ng pag-ibig ano?" Salubong ni BG VE Aguillar. "Huwag ka ng mangantiyaw, apo kong Brigadier General. Dahil kahit kayo ni Maria Theressa ay ilang linggo na ring hindi nagkikita." Kaagad na pagitna ni Grandma Lampa. Tuloy! Napakamot sa ulo ang binatang opisyal. "Backfired ang tawag diyan, apo kong opisyal." Pangangantiyaw tuloy ng kanilang abuelo napinagmanahan nila ng kaguwapuhan. "Okay lang po, Grandpa. Actually, ibabalita ko rin naman po sa inyong lahat. Basta Attorney Cameron at Attorney Calvin ang kikilos ay madali lang po ang lahat. Nadatnan ko rin po roon si Kuya Garrette kaya't agad nilang tinawagan ni Kuya Victor Charles ang kakilala nila sa DFA. Personal appearance ko na lang po ang kulang. Bibiyahe ako mamayang gabi para makaabot sa Manila bukas ng umaga." Masaya na ring pagbabalita ni Patrick Niel. Wala naman siyang dapat ilihim dahil pamilya sila. Kaso! Sa pahayag niyang iyon ay binulabog sila ng makabasag eardrums na tili ng kung sino mang poncio pilatong nanggaling sa main door!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD