CHAPTER FORTY

1595 Words
"IKAW na ba ang sirena ng patrol car mo, Sam? Aba'y, nakakabingi ka eh!" singhal tuloy ni Patrick Niel sa younger sister na tumili ng pagkalakas-lakas. "Kuya Pogi, ikaw muna ang pogi dahil si Kuya BG ay lalayas na naman. May date daw sila sa internet ni Ate TF," saad ng dalagang hindi pinansin ang malakas na boses kapatid. Kaso! "Huwag mong gawing salawahan ang tao, Sam. Aba'y Maria Theressa ang maging hipag natin kay twin brother. Paano naging TF? Diba dapat ay MT?" naguguluhang tanong ni Niel. "How I wish na nandito si Ate Whitney Pearl at sapakin ka niya. Hindi pagiging salawahan iyon, brother. Naging outdated ka lang kaya ganyan. TF means Tuition Fee, according to Kuya Xander and Kuya Alex. Ah, speaking, huwag ka ng umangal dahil sasamahan kitang bumiyahe. Well..." Pambibitin pa ng dalaga. Kaya naman ay muling nagsalubong ang kilay ng newly wedded groom! Subalit bago pa ito makapagsalita ay inunahan na ng mga ninuno. "Patrick Niel apo ko, ayan may kasama ka ng magtungong Los Angeles. Siguro ay mayroon ding pinagtataguan ang bunso ninyong kapatid. Kaya't pagbigyan mo na." Umaabot hanggang sa taenga ang ngiting nakabalot sa mukha ng kanilang abuela na kaagad ding sinundan ng abuelo. "Kayong magkakapatid lang ang nandito pero buhay na buhay ang kabahayan mga pogi at maganda kong apo. Paano kaya kung nandito sina Crystal Marie at Daylan? Ah, idagdag pa ninyo ang pamangkin n'yo sa kaniya mas masungit pa sa ina," anitong sinabayan pa ng hagikhik. Well, wala naman silang ibang intensiyon kundi pukawin ang lungkot ng kapamilya nilang si Patrick Niel. At hindi nga sila nagkamali. Dahil kitang-kita nila ang ngiting gumuhit sa labi nitong bihira nilang makita simula ikinasal ito sa long time wife. "Hindi ko iyon pinagtataguan, Grandma. Dahil kung tunay siyang dragon ay lilipad siya at hanapin ako. Oops! Kapag kami ang magkatuluyan ng dragon kong iyon ay sinolo natin sila, Kuya Pogi!!!" Ayon! Ang chief inspector ay muli na namang napatili dahil na rin sa kaisipang sinakop nila ang magpinsang Braxton at Whitney Pearl. Kaya naman ay hindi na halos makasingit ang malapit na ring ikasal sa kasintahang si Maria Theressa Muller o mas kilala sa pangalang Tuition Fee. SAMANTALA sa tahanan ng mga Harden. "Tumawag ba si Patrick Niel sa inyo, Mom, Daddy? Kasi si Kuya Garrette ang nagbalitang okay na raw ang application for visa nito. Personal appearance na lamang daw ang kailangan nila," saad ni Bryan Christoph sa mga magulang na nadatnan sa kanilang living room. "Wala pa, anak. Baka nakauwi sa Nueva Ecija ang bayaw mo or busy kaya't hindi naalalang ibalita sa amin ng Mommy ninyo," tugon ng padre de-pamilya. "Ako ang naaawa sa taong iyon, anak, Hon. Sabi nga ni Whitney lintik daw ang mga salot sa lipunan na hindi maubos-ubos. Ayan, hanggang ngayon ay wala pa tayong balita sa kaniya," malungkot namang wika ni Ginang Yana. Kaso! Ang basta na lamang sumulpot na pamangkin ng Ginoo kasama ang apo nilang panganay ay naulinigan yata ang kanilang usapan. Dahil basta na lamang itong nagwika. "Magsasalita po ako, Papa T at Tita. Naalala ko pa ang sinabi ni Grandma kay Kuya Rette noong dumating kasama si Enrico. Iyan daw po ang twist ng ating buhay na dapat harapin at labanan. Ah, ano na po ba iyong term na ginamit---" "Pagsubok ang ginamit ni Great-Grandma, Lewis. She said that those are challenges and obstacles that everyone must conquer. Dahil ang live daw ay hindi puro kasiyahan. Iyon ang narinig ko." Pamumutol tuloy ng mag-siyam na taong gulang na si Aries Dale. "Ayun po, Papa T at Tita Yana, Kuya BC. Tinapos na po ni Aries Dale. Naging---" Kaso muling hindi natapos ni Lewis Roy ang sinasabi dahil pumalahaw ng iyak ang kambal na pamangkin o ang mga kapatid ng pamangkin na kaedaran! Kaya't ang pakikipag-usap sana nilang dalawa sa mga oldies ay hindi na natuloy! Dahil kapwa sila noise hater! Hindi na nga nila nakita at mas hindi nasaksihan ang makahulugang tinginan ng dalawang pares ng Mrs Harden. BAGHDAD IRAQ "Bago pa sila makahalatang wala na kayo rito sa hide out ay kailangang makalayo na kayong lima. Kahit ano man ang mangyari ay huwag na huwag n'yong balaking bumalik upang iligtas kami," muli ay pahayag ni Abdul sa limang Americans including the woman who saved him few years ago. "Still, makaligtas man kami pero kayo naman ang pag-iinitan ng boss ninyo. Sa pag-aakala n'yo ba ay maging masaya kami---" "Ma'am Whitney Pearl, ginusto namin ito kaya't huwag mo kaming alalahanin. Kung panghihinayangan namin ang aming buhay ay hindi na sana kami nagsimula pa. Ipagpatuloy n'yo lang po ang pagkawanggawa ninyo." Giit at pamumutol ng isa pang kasama ni Abdul kayat napatingin dito si Whitney. Bukod sa binanggit nito ang kaniyang pangalan ay mukhang walang halaga ang sariling buhay. "Alam naming nagtataka kayo, Ma'am. Pero kagaya nang sinabi ni Abdul ay mas mahalaga ang kaligtasan ninyo kaysa sa buhay namin. Nandito kami sa lugar na palaging nay giyera. Hindi natun alam bukas o makalawa ay may giyera na naman. Samantalang kayo ng grupo mo ay marami pang matulungan kapag makaligtas kayo sa lupang isinumpa." "Sige na po, Ma'am. Anumang oras ay darating na ang iba naming kasamahan. Chain of love ang tawag sa gina---" "Move! Bilisan ninyo! Parating na sila! Mauuwi sa wala ang lahat oras na pahabain n'yo pa ang usapan ninyo. Nandiyan si Hussain---Ano ba!" Mga ilan lamang sa salitang binitiwan ng ilang kalalakihang tumulong sa kanila. "Heto na ang kakailanganin ninyo. Natagpuan namin iyan sa sasakyan. At heto na Ma'am ang sniper gun mo. Basta tandaan ninyo ang bilin namin---" Subalit hindi na natapos ng isa pa ang nais sabihin. Dahil tumunog na ng tuluyan ang alarm device ng buong hide out! Kaya't umilaw ang ilang tower na nakapaligid sa kabuuan ng lugar. Naging maingay ang buong paligid. Pinaghalong tunog ng alarm device at sariling ingay ng mga arabong nandoon. Tuloy! Imbes na magpatuloy sila ay nagsidapa ng muli upang makaiwas sa mga ilaw. "ANO'NG kaguluhan iyan? Bakit tumutunog ang alarm device? Ang mga towers? Naka-full blast ang ilaw sa bawat panig!" Mga ilan lamang sa katanungang nanulas sa labi ni Boss Ali na papatong na sana sa unang asawa. "Boss! Boss! Si Hussain ito! Tumakas ang mga bihag!" malakas na saad ng nasa labas ng kanilang silid! Tuloy! Ang nangangalaiting at papasok na nga lang na patutoy ni Boss Ali sa mahiwagang lungga ng asawa ay naudlot pa! "Habibi, miss na miss kita---" "Itutuloy natin mamayang pagbalik ko, habibi. Kamutin at tapik-tapikin mo na lang muna ang p*ke mo. Dahil oras na makatakas ng tuluyan ang mga puting iyon ay hindi ko na iyan papasukin habang-buhay!" Pamumutol ni Boss Ali habang nagsusuot ng damit bago lumabas sa silid kung saan naudlot ang loving-loving sana nila. Kaya naman! Naiwang nakanganga ang kaawa-awang unang asawa. Bukod sa basang-basa na ang ibabang bahagi ng katawan ay nadala na rin sa pangroromansa ng asawang isang beses lang sa isang linggo kung makadalaw sa kaniya. SAMANTALA sa kinaroroonan nina Whitney. Laking pasasalamat nila dahil mayroong malaking bato sa likuran ng tower na malapit sa kanila. Kaya't nagmistula silang nasa training ground ulit para sa pagsasanay. Gumapang sila patungo sa malaking bato at doon nagtungo. "Now that we are all in this kind of situation, hindi na namin kayo maaring iwanan dito. Dahil kayo na rin ang nagsabing kamatayan amg parusa ng magkamali," mahinang sabi ni Whitney na kaagad ding sinundan ng isang tauhan. "Tama si Mrs Aguillar, mga kasama. Maaring hindi man namin kayo maisama sa Los Angeles subalit maari kayong mabuhay sa ibang lugar ng walang iniisip na giyera," anito. "Madaling sabihin iyan mga kapatid pero para sa aming tauhan ni Boss Ali na madalas isama sa nga lakad niya ay mahirap iyan. Dahil kilala ang grupo ni Boss na racist. Kahit kayo ay nakaranas---" 'Abdul! Abdul! Nasaan ka ba? Sa tunog ba ng alarm device ay hindi pa kayo naalarma o nagising?!' 'Boss, sa palagay ko ay sila ang salarin sa pagkawala ng mga bihag.' 'Huwag kang hangal, Hussain. Nasa akin na ang taong iyon simula noong teenager. At nandito sa teritoryo ko ang ina at mga kapatid niya. Kaya't hindi niya iyan magagawa sa akin!' 'Nandoon na tayo, Boss. Pero hindi ka ba nakakahalata? Sila at ang limang guwardiya ang hindi ko makita samantalang sila ang nakatuka sa pagbabantay sa mga bihag.' "Hay*p ka talaga, Hussain! Dapat ay tinutuluyan na kita sa buhanginan! Gag●! Papatayin na talaga kita!" Ngitngit na ngitngit si Whitney dahil sa narinig. Inasinta nga niya ang night vision ng sniper gun. "Huwag, Ma'am. Hayaan mo na lang siya. Go and escape as far as you can. We will stall time for you, guys." Muli ay pagtataboy ng Abdul sa limang survivors. Hindi lang iyon, kinuha ang ilang granada at sunod-sunod na ibinato sa ibang dereksyon. Diversion! "Let's go, Madam. Alam naming mahirap pero tama sila. Masasayang ang kanilang sakripisyo oras na maabutan tayo ng mga kasahan nila." "They will all die---" "Punish me later, Madam Aguillar. Pero kaya sila nagsakripisyo. Dahil alam nilang mas marami ka pang magagawa kaysa sila--- Now, Madam! Look at them! They are throwing grenades in every corner for us to escape. They are diverting their attention!" Kinailangan pa nilang magsigawan dahil na rin sa lakas ng pagsabog ng granada. Idagdag pa abg alarm device na walang makaalalang pumatay. Nagmistula silang lima na pusa dahil patago-tago upang hindi makuha sa spot light ng tower. Ang tanong, makatakas na ba sila ng walang aberya? Kapag southwest part ang kanilang tatahakin, ligtas na ba sila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD