"CAN you do me a favour, son?" ani Patrick Niel sa anak na si PC. "Ay si Daddy parang others. Ano po iyon? Now na po baka naman emergency iyan," nakatawang sagot ng binata. Kaso ang Ginang naman ang sumalo sa pagsagot sana ng asawa. "Talagang emergency iyan, anak. Kaya't kung ako sa iyo ay pumasok ka na muna sa trabaho mo at kumuha ng indefinite leave. Dahil sasabay ka sa mga oldies as you say so sa pag-uwi. In that way, walang makakahalata sa tunay na rason kung bakit ka uuwi ng Pilipinas. Samantalang nasa kasagsagan pa ng taon," pahayag ni Whitney saka tumingin sa asawa. "Nasabi na ng Mommy mo ang dahilan, anak. Ngunit upang mas maliwanagan ka ay sabihin ko rin. It's not the way you think but I need you to travel back home with your grandparents. Pero wala silang malalaman na dahilan