"Sigurado ka na bang kaya mo humarap mag-isa sa kanila?" tanong sa akin ni Camilla matapos kong sabihin ang sales kahit tanghali pa lang. Tinanggap ko ang alok ni Misa para maghapunan sa kanilang bahay at kasama si Dexx. Pinagbasehan ko ang pag-uusap namin kanina at para sakin, unti-unti ko na makukuha ang kanyang loob. Kailangan kong malaman ang mga bagay tungkol sa negosyo at ang nmga personal na rin nilang impormasyon para sa kahinaan nila. Si Mosa ang magdadala sa akin sa unang hakbang ng paghihiganti. "Oo, kailangan kong umpisahan na mapalapit sa kanilang pamilya at tingin ko, si Misa ang magiging daan para mangyari iyon. Mahirap pa sabihin ngayon kung sino ang magiging susi para mapabagsak ang Lacson Empire pero gusto kong isa-isahin silang lahat," sagot ko sa kanya at nagpatuloy

