"Anong nangyari kahapon? Inatake ka na naman ng panic attack mo?" tanong sa akin ni Camilla habang nag-aalmusal kami. Tumikhim si Grant bilang sagot. Alam kong siya ang nagsabi kay Camilla sa nangyari. "Hindi na importante kung ano ang nangyari, ang mahalaga, hindi nakahalata si Dexx sa atin kahapon," mahinahon kong sagot sa kanya pero hindi ko inaasahan na magsasalita si Grant para sa akin. "Hayaan mo na siya Ate, hindi naman kasi gano'n kadaling makalimot, alam na alam mo yan," sagot sa kanya ni Grant at padabog na binitawan ni Camilla ang kubyertos. "Hahayaan? Ngayon siya makikipag-usap para sa business proposal, hindi pwedeng masyado pa siyang emosyonal dahil baka atakihin siya ng panic attack kapag nakita ang mga iyon," mataray na sagot ni Camilla sa kapatid. Hindi na ako naka

