Tatlong araw matapos gumaling ang sugat ko sa pulso ay umuwi na rin kami. Apat na raw akong hindi lumabas ng kwarto at hindi na rin nila ako iniiwanan mag - isa. Ipinamahala na muna nila ang grocery kay Greg dahil isa rin naman siya sa mapapagkatiwalaan. "Kumain ka na," sabi sa akin ni Tita Myline at dahil sa gutom na rin ako ng oras na iyon ay mabilis akong kumain at nakainom na rin nang gamot hanggang sa may kumatok sa pinto. Lumabas ako at gusto ko sana manatili lang sa sofa at manood ng kahit ano. "Tao po!" narinig kong tawag at si Dexx ang humarap sa kanila. Hindi niya pa binuksan ng bahagya ang pinto pero nakita ko ang uniporme ng dalawang pulis. "Magandang tanghali po? Nandyan po ba si Rion? Kami po ang mga pulis na kukuha ng statement niya," mahinahon na sabi ng pulis at tul

