Nakatingin lang ako sa pinto nang ilapag ni Dexx ang pagkain sa table at tumabi sa akin. Wala akong gana sa kahit ano dahil hindi ko pa rin matanggap ang nangyari sa akin. "Gusto kong mapag-isa!" Hinawi ko ang tray sa table at nakita ko ang gulat kay Dexx dahil sa ginawa ko. Hindi ako nagpigil maglabas ng galit dahil sa sobrang inis ko ng araw na iyon. "Rion!" sigaw ni Dexx at isa-isa niyang nilinis ang mga nabasag na plato at baso tapos ay lumabas ulit at saka siya lumabas muli ng kwarto. Hindi ko na hinintay pa ang pagbalik niya at dahan-dahan akong kumilos para makatayo. Paano na ang pag-aaral ko? Nahihiya ako dahil sa nangyari sa akin ay mawawala lahat ng pinaghirapan ni Tita Myline. Kahit hirap akong kumilos ay lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa cr. Binuhusan ko ang sarili

