Marami akong pasa sa braso at inialis ko ang kumot sa paa ko. Kitang kita ko rin na may iilang pasa ako sa binti. Sinubukan kong umupo pero agad akong napabalik sa pagkakahiga dahil sa sakit na naramdaman ko sa aking likod. Doon nagbalik ang lahat ng memorya ko. Pinagtangkaan akong patayin nang tatlong lalaki. "Dok, kailan po makakalabas ang pamangkin ko?" tanong ni Tita sa doktor at hinila niya ito papalayo sa akin. Naririnig ko ang mga bulungan nila pero hindi ko maintindihan ang mga iyon. Tumingin sa akin ang doktor at binalik kay Tita ang atensyon. Tumango ito at saka sila bumalik sa tabi ko. Pumikit ako muli at pilit kong iniisip kung bakit nga ba ako nasa hospital at sobrang sakit ng katawan ko. "Bibigyan ko po kayo ng reseta ng mga gamot at bukas, pwede na pong lumabas si Miss

