"Malapit na pala birthday mo, ano gusto mong handa?" tanong sa akin ni Tita Myline habang nasa hapagkainan kami para mag-almusal. Normal na araw lang naman sa akin ang birthday ko pero si Tita Myline ang madalas maghanda para sa akin. "Kailan ang birthday mo?" tanong ni Dexx pero hindi ako sumagot at si Tita na lang ang sumagot noon. "Sa biyernes. Oo nga pala, maaalala ko, Rion, gusto mo bang umakyat sa stage at magsabit ng medalya? tanong sa akin ni Tita Myline na ikinagulat ko dahil ang alam ko hindi na ako makakatungtong pa sa stage. "Syempre, g-gusto ko po," nanginginig kong sagot sa kanya at ngumisi lang siya at hindi na ulit sumagot pa. Hanggang matapos ang pagkain ko at makapasok ako sa trabaho ay ang pag-akyat ang naiisip ko. "Kung may problema ka, huwag mong dalhin dito s

