Pagkagising ko, abala na siTita sa pagluluto ng handa para sa kaarawan ko pero ako, normal na araw lan ito para sa akin. "Rion, papuntahin mo mga katrabaho mo dito mamaya, sabi sa akin ni Tita Myline at yumakap siya sa akin at humalik sa pisngi ko. "Ihahatid na kita," sabi sa akin ni Dexx ng makasalubong niya ako palabas ng bahay. Sarado ang grocery ngayon dahil tutulong sila sa paghahanda para sa kaarawan ko. Kahit hindi naman sila tumulong ay sinasara pa rin ni Tita Myline dahil kaarawan ko. "Miss Camilla, makakapunta po ba kayo?" tanong ko sa kanya ng dumating siya. "Busy ako," matipid niyang sagot at tumango na lang ako. TIngin ko naman ay hindi siya makakapunta kaya mas mabti na rin iyon dahil nahihiya rin ako. Wala naman akong masyadong handa minsan kapag kaarawan ko. Tumang

