"Maayos na ba pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Camilla pagkaupo ko. Hinawakan ko ang sintido ko dahil sa kirot ng ulo ko. "Oo. Pasensya na kagabi' Papalitan ko na lang ang flower vase mo," sagot ko sa kanya at ngumisi lang sa sinabi ko. "No, bibili pa ako ng maraming flower vase at basagin mo lahat." Tumawa kaming dalawa dahil sa sinabi niyang iyon. Dumating na rin si Grant at umupo sa tapat ko. Makahulugan ang tingin niya sa akin ng umagang iyon pero natigil rin dahil tumikhim si Camilla. "Kaunti lang ang kakainin ko ngayong umaga. Pupunta ako ngayon kila Misa dahil nagsabi ako na doon ako kakain ng almusal," sabi ko sa kanila at naglagay ako ng kaunting pagkain sa plato ko. "Siguraduhin mo lang nag pag-uwi mo dito maayos ka pa rin mag-isip," sabi ni Camilla sa akin at hindi ko n

