Maaga akong nagising dahil gusto ko sana ituloy ngayon ang pag-aalmusal ko kila Dexx pero habang nagbibihis ako, may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Ma'am, pinapatawag po kayo ni Miss Camilla at mag-aalmusal an daw kayo," sabi ng katulong sa akin. "Pakisabi, hindi ako mag-aalmusal dito," sagot ko at wala na ako narinig na kahit anong sagot pa galing sa labas. Pinagpatuloy ko ang pagbibihis at nang mapadaan na ako sa kusina, nagulat ako ng tawagin ako ni Tita Myline. Ang sabi ko ay hindi siya dapat nagpupunta dito pero hindi siya nakinig sa akin. Mabuti na lang ay ako ang pupunta sa bahay nila Misa. "Tita, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at siya mismo ang naghahain ng pagkain. Ngumisi siya sa akin pagkalapag niya ng hotdog at egg sa table. "Halika na at kumain ka na,

