Magkatabi na kami dahil doon pero nang titigan ko siya, seryoso na siyang nakatingin sa kawalan at parang malalim ang iniisip. Sinundan ko ng tingin ang tinititigan niya pero wala naman akong nakikita doon dahil madilim. "Kailangan mo ba talagang magtrabaho ng dalawa? Daig mo pa ang may sampung anak," Natatawa niyang sabi sa akin at napayuko na lang ako at naisip ang kapatid ko. Nanatili akong nakayuko at kumuha ng isang stick at saka nagsulat ng kung ano sa lupa nang hinila ni Dexx ang stick at inihagis sa kung saan. "Huwag mo na sagutin ang tanong ko kung ikakalungkot mo lang naman. Magpahinga ka muna dito bago umuwi," sabi niya sa akin at nagkatitigan lang kami ng ilang segundo bago ko iniiwas ang tingin ko. Hinawakan niya ang batok ko at marahan na isinandal sa kanyang balikat. I

