"Tita, ako na po gagawa ng pag-audit tuwing sabado at linggo para kahit papaano, makatulong naman po ako," sabi ko habang nag-aalmustal kami ng sabado ng umaga. "Sigurado ka ba kaya mo na ulit gawin iyon? Magkakaroon ka na rin ng trabaho," sambit niya sa akin at tumango na lang ako. Kaya ko naman gawin iyon at nagawa ko naman dati na magkaroon ng dalawang trabaho. "Opo, Tita. Walang problema sa akin, gusto ko rin naman makatulong," sagot ko sa kanya at tumango na lang siya sa akin at pinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos kami, ako na ang nagligpit at ayokong kumilos pa sila dito. Hindi naman na sila kumontra at umnalis na para maaga sila makapagbukas sa grocery. Nasa kwarto lang ako buong magdamag at kapag nagugutom ay lalabas para kumain. Sobrang matumal ang araw na iyon pero gus

