"Gusto kong mamili ng mga damit lang opisina, maaari mo ba ako samahan?" tanong ko kay Dexx habang kumakain kami. Tanghali ay tapos na agad ang pag-aapply ko sa kompanya nila Miss Camilla kaya naisip kong magsabi sa kanya at maaga pa naman. Hindi pa rin maalis sa isip ko kung paano tingnan ni Miss Camilla kay Dexx pero hindi ko na iyon sinabi pa sa kanya dahil parang hindi naman niya kilala ito. Minabuti ko na lang na huwag na magkwento. "Rion, naaalala mo yung sinabi ko sayo nung nakaraan? Isasama sana kita sa kaibigan kong psychologist para malaman kung ano ang kalagayan mo, kung gusto mo lang naman pero kung hindi, sabihin mo na rin agad sa akin," sabi niya sa akin at naaalala ko ang pagpayag ko sa kanya. Abala siya sa pagmamaneho at malapit na kami sa bukid ng sabihin niya iyon. Ka

