"Makalipas po ang tatlumpong minuto hahanapin na po nila ako!"
"WALA AKONG PAKEALAM KAHIT SINO PANG MAGHANAP SAYO!" hiyaw ng lalaki sa akin.
“Kayong bahala, ipagdadasal ko na ang mga kaluluwa nyo,” pang-iinis ko sa kaniya at saka ako ngumisi ng mas malapad.
Nakapring ang aking mga mata ngunit ramdam ko ang magkahalong kaba at iritasyon ng lalaki dahil sa mga sinabi ko. Tingin ko ngayon pa lang ay gusto na niya akong patayin! Ahahah!
“MANAHIMIK K—”
“Sige, dumaldal ka lang,” seryoso kong sabi, “dahil mamaya… mananahimik ka na… habang buhay.”
Naramdaman kong tila napikon na siya at dumampot na ng baril para itutok sa akin. “A-ABA TALAGANG—”
“Gaston! Tama na ‘yan!” pigil sa kaniya ng kaniyang kasamahan. “Tandaan mo, tatlong daang libo ang halaga ng bawat bata! May tatlumpung libo tayo bawat isa sa kanila! Malaking halaga din ang tatlumpong libo!”
“Tsk! B-Bwisit!!!” inis na sambit ng lalaking ininis ko at padabog na binitawan ang hawak niyang baril.
Tatlumpong minuto. Hmn. Nakakainip maghintay ng tatlumpong minuto. Makipaglaro kaya muna ako sa mga matatandang hukluban na ito?
“Manong!” muli kong salita ngunit tila ayaw na nila akong pansinin kaya inulit ko ang pagtawag. “Manong! Manong!”
Bumilis ang takbo ng sasakyan. Sa tingin ko ay malapit na kami sa SanVille Riverside.
“Manong—”
“A-ANO BA!? GUSTO MO NA BANG MAMATAY!?” nanggagalaiting sigaw ng lalaki.
“Hindi po!” tugon ko at muli… ngumisi ako. “Gusto ko pong maglaro!”
Walang anu-ano’y, nakalag ko ang pagkakatali ng aking kamay na kanilang ikinabigla. Marahan kong ibinaba ang piring ko at sumilay sa kanila ang matatalim kong mga mata.
“A-Anong— P-paanong—”
“Handa na ba kayo? Sige, Ako na ang taya,” sabi ko at agad kong sinuntok sa mukha ang lalaking nasa aking harapan.
“A-Ahhh!!!” hiyaw niya.
“Ahhhh!!!” lalong nag-iyakan ang iba pang mga bat ana dinukot nila nang marinig ang kaguluhan.
“Hoy bata—”
“Oo na! Kasali ka!” saad ko nang makita kong damputin niya ang baril. Tinapik ko ang baril nang itutok niya ito sa akin at malakas itong tumama sa kaiyang mukha. “Ang atat mo naman tatang!”
“B-Bwisit kang bata k— urghhh!!!” susuntukin nya sana ako ngunit sa liksi kong kumilos ay agad ko iyong naiwasan. Agad kong hinablot ang kanilang mga leeg at pinigilan ang kanilang mga paghinga.
“A-Anong nangyayari d’yan— SH*T!” hiyaw ng isa pa nilang kasamahan na nakaupo sa tabi ng drayber. Napahiyaw siya nang makita akong sakal-sakal sa magkabila kong kamay ang dalawang lalaking nagbabantay sa amin.
Nilingon ko siya at nginitian na para bang napakabuti kong bata. “Ay, hello po! Kamusta? Mamaya po kayo naman ang papatayin ko! Sandali lang po ha!?”
“A-Anong—" ani ng drayber na sumulyap sa amin mula sa salamin na nasa harapan niya.
“T-Tu— tumawag ka kina boss!” sabi ng lalaki na katabi ng drayber at kinasa ang kaniyang baril.
“A-Ano bang pinagsasabi mo! Mapapagalitan tayo! Tumawag lang daw tayo sa kanila kapag nasa alanganin tayo!” iritang sabi ng drayber.
“TANGA! NASA ALANGANIN TAYO!” hiyaw ng lalaki at ipinuntirya sa akin ang baril na hawak niya.
“Isang bata lamang yan!” pakikipagtalo ng drayber.
“H-Hindi lang siya isang bata,” tugon ng lalaki na nakatitig na sa akin ng matalim habang nanginginig. “I-Isa siyang… isa siyang Mafia!”
“A-Ano!?” bulalas ng drayber at nilingon na ako. Ngumiti din ako sa kaniya ng malapad matapos kong bitawan ang dalawang lalaki na ngayon ay wala ng buhay. Naalis na kasi sa pagkakataklob ng hood ang aking ulo at malamang… napansin na nila ang suot kong piercing charm.
“M-Ma— Mafia!”
“Sali po kayo? Naglalaro po kami, patay-p*****n!” ani ko at mas lumapad pa ang aking pagngisi.
Taranta namang kinuha ng drayber ang kaniyang telepono at may tinawagan. Nakatutok lang sa akin ang baril ng lalaking katabi niya na tila bap ag kumilos ako ng masama ay babarilin niya ako. Hmn, sa halos isang metro naming pagitan, malamang na tumama ang bala niya sa ulo ko… kung matatamaan niya ako.
Nilingon ko ang mga bata, ang iba ay nagsisiksikan na at ang ilan ay patuloy pa rin sap ag-iyak dahil sa takot. Hindi ko sila masisisi, tiyak kong hinhanap na rin sila ng mga magulang nila.
Naalala ko tuloy ang mommy ko. Kung malalaman niyang kinidnap ako ng mga siraulong ‘to, tiyak kung ililibing niya ang mga ito ng buhay!
“Alfonso! A-Alfonso!” sambit ng drayber sa kaniyang telepono kaya muli ko na naman silang sinulyapan. Lalo namang humigpit ang hawak ng lalaking katabi niya sa kaniyang baril na nakatutok sa akin. “B-Back up! B-Back up! Salubungin niyo kami, papasok na kami ng SanVille!”
Sinipa ko ang katawan ng isa sa mga lalaking sinakal ko at naupo doon sa kaninang inuupuan nila. Ipinatong ko ang siko ko sa may sandalan ng upuan at sinalo ang aking baba. “Kuya, ang boring niyo kalaro! Pakawalan niyo na lang kaya kami?”
“H-Hindi pwede! Kung papakawalan namin kayo, ang amo naman naming ang papatay sa amin!” tila ninenerbyos na tugon ng lalaking may hawak na baril.
“Ahh, gano’n po ba,” ani ko na tumatangu-tango pa saka ako muling ngumiti. “Sino pong gusto niyong pumatay sa inyo? Ang amo niyo… o ako?”
Natigilan ang lalaki at napalunok. Tila nagtagis ang kaniyang mga ngipin at nanginginig na siyang kalabitin ang kaniyang gatilyo.
“M-Manahimik ka!”
Nagkibit ako ng balikat at maya-maya’y tila naalis ang kaba ng drayber. “Nandito na sila!!!”
Sinilip ko ang nasa unahan at nakita ko ngang magkakasunod na mga itim na kotse ang dumating. Seryoso ba ‘to? Natatakot sila sa isang gwapong bata na tulad ko? Huh!
“Maglalaro na po ba tayo?” tanong ko saka nakangising tinalon ang sandalan ng inuupuan ko palapit sa inuupuan ng drayber at ng lalaki.
Sa gulat ng lalaking may hawak na baril, kinalabit niya ang gatilyo ngunit sinipa ko lamang ito bago pa ito pumutok. Lumusot ang bala sa salamin ng bintana kasabay ng malakas na hiyawan at iyakan ng iba pang mga bata.
"AHHH! MAMA!!!"
"MOMMYYYYYYYY! WHAAAA!!!"
Dahil nasa loob nga kami ng van ay limitado lang ang espasyo ngunit dahil isa akong bata ay malaya kong nagagalaw ang aking katawan kumpara sa matatandang kumuha sa amin.
“WALANG HIYA— Ugh!” Hinablot niya ang binti ko na pinangsipa sa kaniyang baril kaya naman… itinukod ko ang dalawa kong kamay sa upuan at gamit ang isa ko pang paa ay sinipa ko siya sa kaniyang baba. Malakas na humampas ang kaniyang ulo sa may unahang salamin ng sasakyan at nang tumalsik ang baril na hawak niya ay agad ko itong kinuha saka siya binaril sa noo ng walang alinlangan. Napahinto naman ang drayber sa pagmamaneho at kumaripas ng takbo pababa ng sasakyan.
“Ang daya naman ng bakulaw na ‘yon!” dismayado kong sabi.
Ang laki-laki niya, duwag naman pala?
“Mommy!!!”
“Maaa!!!”
Patuloy na umiiyak ang mga bata. Hmn. Nilapitan ko ang isa sa kanila at kinalagan ang kaniyang tali. “Huwag na kayong umiyak, makakauwi din tayo mamaya-maya lamang!”
Tila kumalma sila kahit papaano. Nang makalagan ko ang isa ay tinulungan niya akong makalagan pa ang iba ngunit… ilang boses ang narinig ko mula sa labas ng sasakyan. Tumayo ako at sinilip ang mga taong naroroon. Nasa dalawampung pangit na lalaki ang bumaba mula sa mga sasakyang dumating. Isang lalaki na nakasuot ng makakapal na gintong alahas ang nilapitan ng drayber at sa tingin ko ay isinusumbong niya ang ginawa ko.
“Walang lalabas!” babala ko sa mga bata at muli silang nabalot ng takot. Nagyakapan pa ang ibang mga bata at ang ilan ay naiiyak na naman kaya ngumiti ako sa kanila upang bigyan sila ng kasiguraduhang makakaligtas sila.
“Huwag na kayong umiyak! Mamaya lang ay makakauwi na kayo!”
“P-Pero— p-paano ka?” tanong ng isang bata nang makitang akma akong lalabas ng van. “Napakadami nila sa labas! Papatayin ka din nila!”
Nilingon ko siya, “Ang sabi nila… ang masamang damo, matagal mamatay! Huwag kayong mag-alala, siguradong parating na ang mga kasama ko!”