Halil Dela Questa.
"Your Grace? You ask for me?"
Umangat ang sumasakit ko nang ulo kay Xero na kakarating lang sa office ko.
"Yeah," saad ko habang hinihilot ang aking sentido.
"Have you heard about my P.I?" Sabi ko sa pagod na boses. Ang dami ko kasing inasikasong business meetings ngayon at halos ikutin ko na ang buong New York City dahil kinailangan kong mag-rounds, hindi ko na tuloy nakakausap ang hinire kong Private Investigator para ma-kumusta si Venus.
Sinunod ko na nga ang advice ni Xero na layuan na si Venus. Pero dahil sa kagustuhan kong tulungan s'ya, I hired a private investigator para malaman kung napapano na ba s'ya.
I stopped making her life miserable when I saw how tired is she noong huling sinubaybayan ko s'ya; meaning, tumigil na akong kontrolin ang mga kumpanyang gusto niyang pasukan.
"Yes and I already email you his report," sambit ni Xero sa seryosong boses.
Right, lahat ng emails ko dumadaan muna kay Xero, for authentication kumbaga.
Tumango-tango ako at nag-signaheng umalis na s'ya. Tahimik naman nga siyang tumalikod at naglakad patungo sa pinto habang ako ay binuksan ang email ko galing kay Xero.
I opened the file and read it through my eyes and not to my mouth. At gano'n na lang ang pagtaas ng kilay ko nang mabasa na nag-ta-trabaho na nga ito ngayon pero hindi ko nagugustuhan ang nababasa ko. Paano naman kasi, hindi lang isang trabaho ang pinapasukan n'ya, kundi apat.
Biglang uminit ang ulo ko.
Gracious Gods, Venus. What are you thinking?
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang dahil sa inis habang tinatawagan si Xero sa intercom.
"Yes, Miss Dela Questa?"
Maagap na pinikit ko nang madiin ang aking mga mata para pigilan ang pagsigaw ko.
"Tawagan mo lahat ng may-ari ng kumpanya kung saan nagtatrabaho si Venus and tell them to fire her. Effective immediately. And offer her a job to one of the prestigious massage companies in the business right now. I don't care how much it will cost, Xero. Do you understand?"
"Yes, Miss Dela Questa. And Miss? I already signaled Jupiter, you should go to her place right now, it's past 2 pm already."
Dinig ko ang pag-alala sa boses nito. Again, I deeply close my eyes to calm my raging hormones.
"I'm on it. Thanks, Xero. You know what to do, I'll go now."
Hindi ko na hinintay na makasagot ito bagkus kinuha ko na agad ang aking handbag at ang susi ng sports car ko saka ako lumulan sa aking private elevator na kung saan nakalulan ang sports car ko.
Pinindot ko ang open button sa car key at automatic na bumukas ang roof ng kotse. I jumped inside the car and press the ground floor. Within a minute, bumukas ang elevator at iyon naman ang pagharurot ng sasakyan ko sa highway.
******
Mula sa pambisig na relo ko ay tinitigan kong muli ang oras.
10:26 am. 4 minutes na lang at appointment time ko na sa massage company na pinagtatrabauhan ni Venus.
Well, I have a sore body lately. I need a massage so I came here to get what my body wants. No big deal there.
Pagdating ng takdang oras ng aking appointment, lumabas na ako ng kotse dala ang aking bag, sunglasses, and hat.
Pinagkiskis ko ang aking mga palad dahil sa sobrang lamig pero kahit gano'n pa man ay hindi ako nagsusuot ng winter mittens. It's -1 degree outside and sa bawat pagbuga ko ng hininga ay parang akong nag-va-vape nang dahil sa usok na lumalabas sa aking ilong.
Pagpasok ko sa loob ay sinalubong kaagad ako ng isang employee. Since they know that I'm coming, as usual, my business associate gave me a special treatment.
Ang babaeng nag-assist sa akin sa loob ng private room ay halata ang pagnanasa sa kaniyang luntian na mga mata. She's blonde, petite, and I can tell based on her skin na isa itong European. I guess, Irish.
If I'm Arabella, I will f*ck her inside the massage room right away. But I'm not her and I don't do one-night stand. I have a certain reason why. So I don't go to a random club or bar just to release some steam with random girls whenever I want.
My taste in bed is pretty complicated for a woman like this one besides me. She can't understand it. I know.
Kaya gano'n na lang din ang ingat ni Xero sa mga babaeng nagiging sugar baby ko. Speaking of that, hanggang ngayon ay wala pa akong nahahanap na eligible woman to be my next sugar baby.
"This is your room, Miss Dela Questa. Your massage therapist will be here shortly." Binuksan nito ang double door ng isang malaking massage room. And the inside is not bad. It's spacious and it really looks expensive dahil lahat ng gamit ay nagsusumigaw ng "luxury."
"Thank you. Anyway, about my request?"
"Oh, Miss Marshall?"
I curtly nod my head.
Kita ko naman ang ngiwi nito. "Unfortunately, Miss Marshall is currently in another client's massage room."
I mentally arched my eyebrow with that. Hindi ko nagustuhan ang sinabi n'ya at kita ko namang napansin n'ya 'yon. Parang may mali.
"No, I'm clear about my request, and your boss, the owner of this company; my business associate confirmed my request that I want Miss Venus Marshall to be my massage therapist," mariin kong turan.
Ang kaninang malagkit niyang tingin sa akin ay napalitan ng takot nang dahil sa nakakasugat kong tingin.
"Ahm, I don't know w-whe--"
I retreated to her. "Then search for her or I--"
Sabay kaming napatingin ng babae sa karatig kwarto saan nakarinig kami ng tili ng isang babae.
My eyes grew wider in realization. "Venus.."
Wala na akong sinayang na oras, tinakbo ko ang pinaggagalingan ng sigaw, sa kabilang kwarto, katabi lang ng akin. And when I burge in, lahat na ata ng dugo ko ay umakyat sa mukha ko sa sobrang galit sa nakikita ko.
Paano ay nakapatong ang isang may edad na lalaki sa nanlalaban na si Venus na halos masira na ang pang-itaas na damit.
Buong lakas kong hinawi ang lalaki at sinuntok ito sa mukha. "You mother f*cker!" Gigil na gigil kong sigaw sa nakahandusay na niyang katawan sa sahig, pero kahit na dumudugo na ang mukha nito ay hindi pa rin ako tumitigil sa pagsuntok sa pagmumukha n'ya. Kundi lang ako hinila ni Venus at ng babaeng nag-assist sa akin kanina ay hindi ko pa rin s'ya titigilan.
"That's enough, please, please.." Pakiusap ni Venus habang takot na takot itong yumakap sa akin. Natigilan ako. Nakatitig lang ako sa magandang mukha niyang hilom na ng luha.
Malayong-malayo ito sa madalas niyang masungit at matapang na mukha. She looks so fragile, almost like a beaten-up cat.
I don't know why but I pulled her more to me and hug her as tight as I could..
To be continued..