NAKAUPO NA sa harap ng fireplace si Jhun habang nagpapainit. Bumuhos na nang tuluyan ang malakas na ulan sa labas. Nakapagpalit na rin siya ng tuyong damit, courtesy of Eneru. And speaking of that guy, nasaan na kaya ito? Kanina pa ito hindi nagpapakita sa kanya mula nang matapos siyang magbihis. Ang sabi nito ay patutuyuin lang ang kanyang mga damit. Kung siya ang masusunod, dito na lang niya iyon sa pugon patutuyuin para mas mabilis. Tumayo na siya upang hanapin ang lalaki. Ngunit paghakbang niya ay natapakan niya ang laylayan ng suot niyang pajama na masyadong malaki para sa kanya. Natalisod siya at mabuti na lang na sa malambot na sofa siya bumagsak dahil kung hindi, makikipagpalit siya ng mukha sa aso. Or worse, sa kabayo. “O, ano na namang pauso iyan, Jhunnica?” Naupo sa

