“ATE, HINDI ba dapat kapag nagtanan, ‘yung babae ang dinadala ng lalaki sa bahay nila?” Tinapik lang niya sa noo ang kapatid. “Huwag ka ngang humarang diyan at mababalian na ako ng spinal chord dito. Tulungan mo na lang ako, bilis!” “O, Jhun, sino iyan? Bakit nag-uwi ka ng lalaki dito?” Nakapikit na si Eneru nang maideposito nila ito ng kapatid sa sofa. Sa tangkad nito, hindi na ito nagkasya sa sofa nila. Nakalaylay na ang mga binti nito sa armrest. “Isa sa mga members ng Stallion Riding Club iyan, ‘Nay.” Hinilot niya ang mga balikat saka tinapik sa ulo ang kapatid na inuusisa ang natutulog na lalaki. “At hindi kami nagtanan. Naligaw lang yata iyan dito dahil sa kalasingan. Itinambak sa akin ng mga kapitbahay natin, huwag ko na raw munang pauwiin na ganyan ang estado at baka k