“AY, NAKU! Peste talaga!” Panay ang kiskis ni Jhun sa namantasahang manggas ng kanyang uniporme. “Ipapakulam ko talaga ang mga bruhang iyon kay Aling Tasing. Ipapakalbo ko sila at papapangitin!” Itinambak na lang niya sa loob ng kanyang bag ang blouse at nagpatuloy na sa paglalakad. Papauwi na siya sa kanilang bahay nang hapon na iyon. Kanina sa coaster naging topic of tsismisan ang nangyari sa kanya sa kamay ng mga malditang babaeng guests ng Stallion Riding Club. Pati na rin ang tungkol sa pagkampi sa kanya ng mga club members nang pagalitan siya ng kanyang supervisor. Ilan kasi sa mga kasamahan niya sa Riders Veranda ay kasama rin niya sa coaster na iyon. At siyempre, lahat ng ito, palibhasa pareho niya ng kapalarang sinasapit paminsan-minsan sa kamay ng mga maldita nilang fem