NAKALIGTAS SI Jhun sa mga kuko ng may kahanginang ‘prinsesa’ ng Davao, pero hindi sa kanyang supervisor sa Rider’s Veranda. “Kabago-bago mo pa lang, ang lakas na ng loob mong magpa-late sa trabaho. Nakita mo ba kung anong oras na? Ang dami-daming trabaho rito sa restaurant at hindi ko kailangan ng mga walang pagpapahalaga sa oras.” Yep. Na-late pa rin siya sa trabaho, salamat sa pagkaladkad sa kanya ni Dominique para mahanap ang ‘kapalaran’ nito. Hindi kasi siya nito pinakawalan hangga’t hindi nito nakikita si Zell. Hindi naman siya makatanggi dahil guest ito sa club at numero unong utos sa kanila doon ay tulungan at i-assist ang mga guest at members ng club sa abot ng kanilang makakaya. Hindi nga lang akalain ni Jhun na aabutin ng ganon katagal ang pag-a-assist niya kay Dominique. Hi