Kabanata XXIV CELESTE "BINIBINI, hindi ligtas para sa inyong dalawa ni ginoong Simoun ang magkita ngayon. Pag-isipan mo muna ang bagay na iyan," Panay ang payo sa akin ni Inicia habang paroo't parito ako sa loob ng aking kwarto habang nag-iisip. May isang araw na lamang akong natitira bago umalis. Hindi ko pa rin alam kung paano ko ito sasabihin kay Simoun. Hindi ko rin naman akalain na hindi tutupad si Fabian sa aming napag-usapan. Wala na akong ibang maisip pa kundi ang puntahan siya ngayon at sabihin sa kanya ang mga bagay na ito. "Ngunit Inicia, tumatakbo ang oras. Wala na akong naiiwan pang panahon," wika ko saka tumigil sa kalalakad. "Pag-isipan mo munang maigi ito Binibini," mahina na ang kanyang boses. Sapu sapo ko ang aking noo nang maupo ako sa gilid ng kama habang nag-i

