Kabanata XXXIV CELESTE NANG hapon ding iyon ay naidlip lang kami dahil nadama naming dalawa ang pagod mula sa aming mahabang byahe mula bayan hanggang makauwi. Alas cuatro y media ng hapon nang bumangon kaming dalawa. Gising na si nanay at nagtitimpla siya ng kape. Tyempo namang pababakami kaya’t ipinagtimpla na rin niya kaming dalawa. “May panggatong pa ba tayo nay?” tanong ni Simoun sa kanyang ina habang nagkakape kaming dalawa. “May kaunti pa naman hijo. Kakasya pa hanggang mamayang nagluto ako ng hapunan,” sagot ni nanay. “Magsisibak na ako pagkatapos nito, nay,” aniya. PAgkatapos nga naming magkape ay kinuha niya na ang palakol at nagsimulang magsibak ng kahoy sa bakuran. Ako naman ay tinutulungan si nanay sa kanyang paghahanda ng aming hapunan. Isa isa na ring dumarating sina

