Kabanata XXXIII CELESTE “MABUHAY ang bagong kasal!” Ito ang halos naging sigaw ng lahat nang sabay kaming bumaba ni Simoun sa kalesa na sinakyan naming dalawa pauwi sa kanilanng tahanan. Magkahawak kamay kaming naglakad palapit sa inihanda nilang upuan sa may lugar kung saan sila naglagay ng mg dekorasyon upang magkaroon ng kulay ang aming magiging araw pagkatapos ng aming kasal. Sa gilid ay may mga matatandang may hawk na gitara, tamburin, tambol at banduria. Napakaganda ng saliw ng kanilang tinutugtog at napapaindak ang mga tao sa paligid habang naglalakad kaming dalawa ni Simoun palapit sa aming upuan bilang mag-asawa. Puno ng mga tao ang paligid ng dinerorasyonang pagdadausan ng kaunting programa. Abala sina nanay at ang mga kasama niyang kababaihan sa paghahanda ng mga pagkain s

