Kabanata XXXII

1530 Words

Kabanata XXXII CELESTE HABANG TUMUTUGTOG ang pyano ay sinasabayan ko ito ng dahan-dahan kong paglalakad sa gitna. Kasabay kong maglakad si Inicia na siyang maghahatid sa akin sa harapan kung saan naghihintay ang aking mapapangasawa. Kung kanina ay nakangiti siya ay ngayon naman ay nahaluan na ng pagluha ang kanyang mga ngiti. Ang unang babaeng nagpaiyak sa kanya na nakita ko at nasabi niya sa akin ay ang kanyang ina. Ngayon ay ang kanyang ikalawa. Habang hawak-hawak ko ang bugkos ng mga kapipitas lang na bulaklak ay nakatitig ako sa kanyang mga mata. Nang makalahati na ako ay saka naman mas bumuhos ang kanyang luha. Dahil dito ay napalingon ako kay Inicia na lumingon din sa akin. "Mahal na mahal ka ni Simoun, binibini," may halong luha ang kanyang mga matang nagsabi sa akin nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD