Kabanata XXXVI MAKALIPAS ANG TATLONG LINGO... CELESTE "MASAMA BA ang pakiramdam mo anak?" Tanong sa akin na Nanay habang ako'y panay duwal sa may palikuran. "Nahihilo po ako sa amoy ng mangga nay," sagot ko habang patuloy sa pagduwal. Hinimas niya ang aking likuran at pagkatapos nito ay dinala niya ako sa silya at pinaupo doon. "Anak, inomin mo ito," iniabot niya sa akin ang maligamgam na tubig. Ininom ko naman iyon at saka siya naupo sa tabi ko. "Hija, kailan ang huling dalaw mo?" Tanong niya sa akin habang hawak ang mga kamay ko. Nagtaka naman ako sa tanong niya. Teka? Dapat noong nakaraang Linggo pa ako nagkaroon ng dalaw pero ipinagtataka ko ay matatapos na ang buwan ay wala pa rin. Hindi kaya? Napatingin ako sa mga mata ni nanay. Mayroong kung ano sa kanyang mga mata na p

