Chapter 48 3rd Person's POV; "Hindi ko iniexpect na kumakain ka talaga ng ganito." Ani ni Astrid ng makitang maganang kumakain si Cadmus ng isaw at inuulam sa kanin. Yung ibang costumer napapatingin na sa table nila dahil sa binata. Nakatuxedo pa din kasi ito habang kumakain ng nakakamay. Hindi umimik ang binata kaya tahimik na lang itong pinagmasdan ni Astrid na kumakain ng inihaw na nasa stick. "Ayos lang ba kayo dito? Kung kulng pa wag kayong mahihiyang kumuha pa." Nakangiting sambit ng ginang matapos magbaba ng dalawang baso sa lamesa. "Ayos na po kami dito madami pang nasa tray." Nakangiting sambit ni Astrid bago ilagay ang isang baso sa gilid ng plato ng binata. Dahil sa marami din ang costumer umalis din ang ginang para tulungan ang asawa na nag iihaw. Napansin ni Astrid ang