Chapter 49 Astrid Salves's POV; Habang nakatingin sa kalangitan at nakahiga sa damuhan. Nakaramdam ako ng sobrang saya at katahimikan. Para akong bumalik sa pagkabata yung tipong wala akong ibang iniisip. "Yung game namin sa Farell Salves bakit mo sinabi yun?" Ani ni Cadmus na kinatingin ko. Katulad ko nakahiga din siya pero may ilang pulgada ang layo niya sakin nakatingin din siya sa kalangitan kaya ng lumingon siya at magtama ulit ang mga mata namin umiwas na ako. "Alin ba dun?hindi ko na gaanong maalala." Pagsisinungaling ko kahit na ang totoo tandang tanda ko pa. Hindi ko nga alam kung anong naisipan ko at sinabi ko yun.=_= "Na gusto mo pa ako makilala at maging kaibigan." Ani ni Cadmus na kinatigil ko ng ilang minuto. "Baka pagtawanan mo ako pag sinagot ko yan o magalit ka." S