3

642 Words
"Umalis nalang po tayo dito Doc. Baka pagalitan ka ni Dr. Smith pag nakita ka niya dito. Baka ano pa po yung mangyari" natatakot na payo ni Shayne. Gusto kong sabunutan yung babaeng yun! Hindi ko inakalang kaya niyang gawin sakin to! Kahit sobrang inis ako kinalma ko na lamang ang aking sarili. Inayos nalang namin ni Shayne yung mga gamit at nag bihis na ako ng damit ng biglang iniluwa ng pinto si Red na halatang galit "Dr. Samaniego! Anong ibig sabihin nito?" patay ako "Dr. Smith magpapaliwanag ako" agad na sabat ko, nginitian ko si Shayne para sabihin sakanya na mauna na siyang lumabas mukan na gets niya naman ako at nagpaalam na siya kay Red. "Tangina naman Alena! Alam mo namang may ebola siya!" halos mapatalon ako sa pag sigaw niya. Why was he mad at me? Hindi naman ako ang may kasalanan dito! "Wag mo kong murahin! Hindi ko alam na may ebola siya!" never  pa kami nag away ni Red. Naninibago ako "Paanong hindi? Hindi mo ba binasa ang medical records niya? Akala ko ba matalino ka!" hindi ko napigilan ang mga luha ko. Unti unti na silang bumabagsak "Tumahimik ka Red kasi inutusan lang ako ni Michele na mag asist sakanya tapos bigla na lang siya umalis hindi ko nabasa ang medical records niya dahil walang hawak na record si Michele! Kung hindi dumating yung Nurse hindi ko malalaman!" wala na umiiyak na talaga ako.  "Wag kang mag sinungaling. Magaling na doctor si Dr. Ong!" Parang winawasak ang puso ko sa narinig ko. Hindi niya ako pinaniwalaan. Ako na asawa niya. Hindi na ako nag salita at nilagpasan nalang siya Inis kong pinahid yung mga luha sa mata ko habang nag dadrive pauwi ng bahay. Kung ayaw niyang maniwala edi wag! Napatingin ako sa cellphone ko at nakita ko yung wedding picture namin. Mahal na mahal ko siya. Oo kahit pinagkasundo kami mahal ko siya. Bakit hindi niya ako kayang mahalin? Nawala ito agad sa isip ko ng muntik na ako makabangga ng sasakyan. "Miss kung gusto mong magpamatay wag mo ako idamay!" nagulat ako muntik na ako ma aksidente "S-sorry po!" nagmaneho ulit ako at hindi ko na inisip yung mga nangyare sa hospital kanina. "I'm sorry Alena. Hindi ko alam" minuklat ko kaagad yung mga mata ko ng narinig ko yung boses niya. "Akala ko tulog ka?" he looked at me, smirking. Inirapan ko siya "Akala ko ba asawa mo ko?" natigilan siya. Shit. Wrong move. Kahit asawa niya ako di niya naman ako mahal eh. " Never mind. Good night" sabi ko sabay pikit ulit ng mga mata ko at pinilit matulog ng naramdaman ko siyang nakayakap sakin "Let's sleep, honey. I'm sorry again" "Good morning Dr. Samaniego!" ngumiti ako sa pasyente ko "Good morning din sayo Ana. Kamusta ka na?" "Mabuti naman po doc." ngumiti ito ng malapad natawa ako ng konti at pinisil ko yungcheek niya "Ganon ba? Mabuti kung ganon. Sige Ana. Mauna na ko." nag lalakad ako nang makita ko si Kriza sa call room "Break mo rin?" tanong ko sakanya "Oo bes. Si Shaina nag observe sa isang surgery eh." tumango ako at umupo sa tabi niya "Mabuti naman kung ganon" "Bes! Hindi mo alam kung sino ang mga kasama ko kanina sa loob ng operating room!" naudlot yung pag uusap namin ni Kriza ng pumasok si Shaina na parang hinihingal pa "Sino ba?" tanong ni Kriza habang busy ako sa pag lamon ng cake "Edi yung asawa ni Alena!" nabulunan ako bigla "At hindi lang yun! Kasama rin yung haliparot na doctora na mukang chaka doll!" hindi nalamang ako umimik "Hayaan mo na nga! Meron pa kaming isang oras na break time ni Alena. Coffee nalang tayo sa labas" aya ni Kriza kaya tumayo na kami at lumabas para pumuntang Coffee Shop _________________________________________________________________________________________________ #IWOHSW Happy Reading, loves!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD