2

955 Words
"Alena! Mabuti naman at nandito na kayo. Tamang tama ready na ang pagkain" aya ng mommy ni Red saamin kaya naman umupo na kami at nag simulang kumain "Red, Ijo. Kailan ba kami magkaka apo ng mommy mo?" hindi ko napigilan ang pag ubo ko. Syempre naman no nagulat ako dun. "You okay? Eto water" nginitian ko na lamang siya at tinanggap yung tubig at ininom ito. Sinusubukan kong kumalma pero ang lakas ng tibok ng puso ko. "Dad naman. Hindi pa kami handa ni Alena. Doctor kami. Mahihirapan si Alena kapag mabuntis siya. Gusto if mabuntis siya magleleave siya hanggang manganak siya. Ayokong irisk ang mag ina ko" galing umarte ng hayop na to. "hijo 6 years na kayong kasal. Baka naman magka menopause na yang asawa mo eh hindi parin kayo magkakaanak" bakit ba ganito yung topic feeling ko ang pula pula ko na talaga "Oo nga! Naku! Excited na kaya kami ng besty kong magka apo!" isa pa tong si mommy. Ngumiti na lang ako at pinag patuloy yung pag kain. Nakauwi na kami ng bahay. Oo may sarili kaming bahay. Wala narin namna kaming magagawa kasi yung ang gusto ng mga ina namin. Magkatabi rin kaming natutulog pero walang nangyayare. Alam ko naman kasi na hindi niya ako mahal at hindi niya ako magugustuhan. Binabasa ko yung mga task na binigay ni Dr. Michele Ong. Hindi ko alam kung may galit ba to sakin o ano kasi naman hindi naman ako kasama sa mga surgeon na nag operate pero sakin padin pinapagawa yung report. Akala siguro ng bruhang to na hindi ko alam. Pfff. Sarap sabunutan.  "Oh bakit parang kakainin mo na yang papel na yan?"nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko. Yung asawa ko lang pala at halatang kakaligo lang. Asawa. Mag asawa nga kami pero sa papel lang. "Ah ito ba. Wala pinag aaralan ko lang" halos maluwa ko yung mga mata ko ng bigla niyang kinuha yung mga papel. Papatayin ako ni Dr. Ong nito. Pero parang mas uuna ata akong patayin ni Red.  "Kay Dr. Ong to ah. Bakit nasayo to?" singkit na nga yung mga mata niya pero mas sumingkit ito.  "W-wala. Bigay mo na sakin yan Red." sinubukan kong kunin yung mga papeles mula sakanya pero hindi ako nag tagumpay. Bwesit naman tong lalakeng to. "Sabihin mo. Pinagawa niya ba sayo to?"natahimik ako. Syempre hindi ko naman pwedeng sabihin sakanya yun. Pag nalaman ng bruhang yon na alam ni red sigurado ako yung pag iinitan nun. Ayoko pa naman ng issue sa loob ng hospital.Hilig pa naman ng babaeng yun ng issue. Akala niya naman ang ganda ganda niya para magkaroon ng issue. "Wala. Kinuha ko yan sakanya. Sabi ko ako nalang gagawa" sa wakas ay nabawi ko na yung papel kaya sinimulan ko ng basahin ulit ito. Nagulat ako ng maramdaman kong may yumakap sa likod ko. Syempre kilala ko kung sino yun. Dalawa lang naman kami dito. Alangan naman multo yun. "Tulog na tayo Mrs. Smith" ahh shit. Eto nanaman po siya. Ewan ko ba bakit minsan minsan ang hilig nitong mag lambing. Halata naman na hindi niya ako gusto. Laking paasa. "Mauna ka na" hindi ko napigilan yung pag tili ko ng bigla niya akong buhatin at binaba sa kama. Balak ko pa sanang tumayo ng bigla niya akong pinatungan "Wag makulit Alena Ruby. Halikan kita diyan eh" "Oo na! Umalis ka na nga jan sa ibabaw ko!" bigla niya nalang akong tinawanan at tumabi sakin. Jusko naman hindi ko na alam talaga yung gagawin ko sa lalakeng to. "Attention. All available nurses and doctors please proceed to the Emergency Room right away. I repeat all available nurses and doctors please proceed to the Emergency Room right away" Mabilis akong tumakbo papuntang emergency room. Napanganga akosa nakita ko, madaming pasyente at halos lahat duguan. "Ano pong nangyare?" tanong ko sa isang pasyente at sinimulan itong gamutin. Natapos ko na ang panggagamot ng may tumawag sakin "Dr. Samaniego" ano nanaman yung kailangan ng bruhang to sakin "Yes Dr. Ong?" lumapit ako sakanya at tinanggal yung surgical gloves ko na puno ng dugo "Sumama ka sakin sa Operating room kailangan ko ng assistant" Wala naman akong magawa. Part ako ng team niya. Nag lakad kami papuntang operating room. Nagulat ako ng walang tao sa loob.  "Dr. Ong bakit tayong dalawa lang ang nandito?" I was suspicious pero hinayaan ko nalang "Busy kasi ang ibang nurse at doctor sa emergency room. Mag umpisa na tayo. We'll be doing CABG." tumango na lamang ako at nag handa na din para sa operation "Teka lang Dr. Samaniego ha? May tumatawag baka emergency to. Pwede bang ikaw nalang muna mag start? Promise mabilis lang to. May alam ka naman siguro dyan"magsasalita pa sana ako para pigilan ito pero nakalabas na siya. Napasapo nalang ako sa aking noo ng hindi ko makita yung chart ng pasyente "Jusko ano ba to? Wala naman akong alam tungkol sa records nito" Tinitigan ko nalang yung pasyente na parang pinapatay ko ito sa aking isipan at natawa ako ng konti. Muka akong loka loka dito. Inaayos ko na yung mga gamit ng biglang may pumasok na nurse "Dr. Samaniego ano pong ginagawa nyo?" nagtatakang tanong niya sakin kaya nginitian ko siya "Ah! Shayne ikaw pala. Pwede bang ikaw yung mag scrub nurse?" bakit parang takot siya hindi ko maintindihan "Po? Hindi nyo po ba alam na posotive sa ebola itong taong to?" halos matumba ako sa narinig ko "Ano?!" Positive sa ebola? Paano nakapasok to sa hospital? Hindi ba to alam ni Dr. Ong? Ang babaeng yun talaga! Sigurado ako na sinadya niya ito! Ano ba ang problema ng bruha na iyon sa akin! Argh! Nakakainis!  _________________________________________________________________________________________________ #IWOHSW Happy Reading, loves!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD