1

578 Words
Lumabas na ako sa building ng hospital ng makita ko ang isang pamilyar na sasakyan. Pumasok na ako sa loob at umalis na ang sasakyan. "Bakit nasa hospital ka pa? 6pm na. Ang alam ko 5pm yung out mo" tanong sakin ni Red. "Binisita ko lang kasi yung pasyente ko na inoperahan mo kanina" sagot koat tumingin sa labas "Bakit kaya ganun no? Bakit iniiwan ng mga lalake yung babae after nilang buntisin ito. Bakit pa sila nagpapakita ng motibo eh hindi naman pala nila mahal. Papahulugin nila tapos hindi naman pala nila sasalohin." rinig kong tumawa itong katabi ko "Hindi ko alam kung nagpaparinig ka ba o ano" hindi ko napigilan kaya inirapan ko nalang ito. "Hindi ito ang daan pauwi Red" "Alam ko Mrs. Smith. Pupunta tayo sa bahay nila mommy. Dun daw tayo mag didinner" bumaba na siya mula sa sasakyan. "Halika na?" tanong ni Red at nilahad ang kanyang kamay kaya kinuha ko ito at lumabas nalang din ng sasakyan. "Oh em gee! Ate Alena!" rinig namin yung isang malakas na boses mula sa kusina "Fuck nandito si Cyanelle?" natawa na lamang ako sa muka ng katabi ko. Opposite kasi ang ugali nila ng kapatid niya. Tahimik si Red at seryoso. Samantalang madaldal naman si Cyanelle. "I miss you Ate Alena!" "Ano ba Cyanelle! Hindi makahinga ang asawa ko!" galit na sita ni Red sa kapatid na inirapan lang nito. "Don't me kuya! You don't even love ate alena eh! I know you've been seeing that bitchy doctor. Ano ulit name non? Ah oo! That Michele slut!" lumaki yung mga mata ko sa sinabi ni Cyan. Oo alam ko naman kasi na nagkikita sila. Pinakalat din kasi ni Doc Michele na boyfriend niya na raw si Red. Hindi naman ako maka angal kasi nga diba secreto lang na mag asawa kami Flashback "What the fuck mom?" "Watch your mouth Red Alexander! Nanay mo ko!" "Mommy naman! She's 2 years younger than me!" Angal ni Red sa ina. Balak kasi nitong ipakasal siya sa anak ng bestfriend niya "So? She's of legal age na Red. She's 21. Also medical student din siya. She's smart din at super ganda. And besides anak siya ng Tita Eliza mo! Eliza and I made an agreement kahit hindi ka pa namin ginagawa ng daddy mo" Napasapo nalang siya ng ulo niya "Mama ayoko!" angal ko kay mama kasi naman! balak akong ipakasal sa edad kong to! 21 palang kaya ako! "Anak naman. Hindi ka pwedeng umatras. Alam mo namang matagal na naming gusto ng Tita Joanne mo na ipakasal ang mga anak namin." "Mama. Kapag kinasal ako wala kang makakasama dito sa bahay. Kasi si papa puro business trip. Malulungkot ka. Sige ka" "Ano ka ba Alena! Okay lang yun! Chaka ang gwapo gwapo kaya ni Red!" Napatawa na lamang ako every time maaalala ko ang araw na iyon, my mom did not know na I was already head over heels kay Red dati pa lang and I was secretly happy when they arranged me and him Pero, Red was not happy with it. Of course he won’t. Ni hindi nga ako pasado sa taste niya, sa standards niya. He acted like he’s okay with it, he acted like he was not bothered by it, pero every time na kami lang dalawa, I hate how he looks at me. His dead eyes that tells me na he will never like me. _________________________________________________________________________________________________ #IWOHSW Happy Reading, loves!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD