GUSTONG-gusto nang buksan ni Jacob ang pinto ng suit na basta na lamang pinasukan ni Cristina pagkatapos takbuhan ang wedding proposal ni Marcus Buendivas. Kinuyom niya ang kamay na nakahawak sa doorknob at pinigilan ang sarili. No matter how eager he is right now to run into her, hug her and kiss her tears, pero kailangan muna niyang pigilan ang kanyang sarili. Mabigat ang loob na tumalikod siya't naglakad palayo. May mga bagay pa siyang dapat na ayusin at tapusin bago tuluyang bumalik... Nilabas niya ang kanyang S7 at idi-nial ang numero ng kanyang abogada. "Dumating na ang takdang oras. Madaliin na ang kaso at magbayad na ang mga dapat na magbayad ng mga atraso nila. Kailangan ko nang mabawi ang babaeng mahal ko..." "Sige, Jake. Kung 'yan ang gusto mo, gagawin na natin ang nararapat