"SINUNGALING ka, Marcus! Gago!" Tinawanan lang siya nito at bumaling na sa mga alipores. "Aalis na ako! Iligpit n'yo na 'yan!" huling iniutos saka tuluyang umalis. Pagkaalis ni Marcus, pinaglaruan pa s'ya ng mga demonyo at ilang bugbog pa ang kanyang tinamo habang pinagtatawanan siya. Hindi ako maniniwala sa kasinungalingan ninyo... Hindi ko isusuko si Cristina... Hinding-hindi! paulit-ulit niyang bulong sa sarili. Pati wallet niya'y pinagdiskitahan na rin ng mga ito. Binuksan ng mga ito iyon tapos kinuha ang mga perang ipon n'ya na dapat ay pang-umpisa nila ni Cristina kapag nakarating na sa Davao. Pagkatapos kunin lahat ng laman ay basta na lamang itinapon ng mga demonyo iyon sa lupa. "Hoy, ulol!" kinuwelyuhan s'ya ng hari sa mga demonyo. "Bibigyan pa kita ng pagkakataon. Maglaro ta