PAGKATAPOS no'n ay kinuha na ni Marcus ang kamay ni Cristina habang wala namang anumang pagtutol ang dalaga bagkus ay nagpatianod pa. Hawak-kamay na pumasok ang dalawa sa mansyon. "Galit na galit yata si Don Sancho no'ng malaman ang tungkol sa pagdadalang-tao ng anak kaya bago pa lumaki ang tiyan ni Cristina at malaman ng lahat ang kundisyon n'ya ay maagap na nilang pinalaglag!" Bumigat ang damdamin ni Miguel at nanikip ang kanyang dibdib. Nagbabadya na rin ang mga luha niya't nag-uumpisa nang mamuo ang puot sa kanyang puso. Napakuyom ang kanyang mga kamao. Bakit, Cristina? Bakit nagawa mo ang ganito sa akin! Akala ko ba, mahal mo ako! Bakit... Bakit pati ang walang kamalay-malay nating anak! Bumalik siya sa bahay ni Senior Juano habang dala-dala ang galit sa natuklasan tungkol kay Cri