BIGLA tuloy naalala ni Cristina si Miguel. Ano kaya ang pakiramdam na makasayaw mo ang taong sobrang mahal mo? Hindi pa kasi nila naranasang sumayaw ni Miguel noon at hindi na rin mangyayari pa 'yon. Ngunit para bang biniyayaan siya ng langit nang bigla magpakita si Miguel sa kanya. Pumasok ang binata at magiliw ang ngiting naglakad papunta rito sa gawi niya. Natulala siya sa kagwapuhan ng mahal niya at masuyong napangiti habang tinititigan ang maaliwalas nitong mga mata. Inihanda na niya ang sarili para sa paglalahad nito ng kamay sa kanya para sumayaw sila sa gitna ngunit nagising siya sa kanyang katangahan nang maglahad ito ng kamay sa kasama niya. Kay Amber. "Care to dance with me?" nakangising pagyaya ni Jacob kay Amber. Parang binuhusan si Cristina ng malamig na tubig sa mukha. Wa